SNA: CCEI Fil-Soc Club

SNA: CCEI Fil-Soc Club π‡πŽπŒπŽ ππ‘πŽ π€π‹πˆπˆπ’

Ito ang opisyal na page ng SNA:CCEI Fil-Soc Panuruang Taon 2025-2026

"Walang mag-aaklas, kung hindi ginamitan ng dahas."Ang pagkawala sa hawla ay nagdudulot ng ligaya. Paano pa kaya kung ma...
24/02/2025

"Walang mag-aaklas, kung hindi ginamitan ng dahas."

Ang pagkawala sa hawla ay nagdudulot ng ligaya. Paano pa kaya kung makalalaya, sa isang lider na mandaraya?

Isang mapayapa at matagumpay na pag-aaklas ang naganap noong Pebrero 22 hanggang Pebrero 25, 1986, upang maka-alpas sa pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. Ito ay naging isang makasaysayan na rebolusyon na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

Diktadurya at pang-aabuso sa kapangyarihan, ang iilan sa mga rason kung bakit gustong makalaya ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos Sr., sapagkat si Ferdinand Marcos ay nanatili sa kapangyarihan nang higit sa 20 taon, matapos ideklara ang Batas Militar (Martial Law) noong 1972. Sa panahong ito, maraming paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang ilegal na pag-aresto, 'torture' o labis na pagpapahirap, at pagkawala ng mga aktibista, mamamahayag, at iba pang lumalaban sa gobyerno. Pangalawa rito ay ang korapsyon at krisis sa ekonomiya, kung saan bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, tumaas ang presyo ng bilihin, at dumami ang mahihirap. At panghuli, ang pagpatay kay Ninoy Aquino. Ang kanyang pagkamatay ay nagpagising sa maraming Pilipino upang lumaban sa diktadurya. Nang dahil doon, nagkaisa ang milyon-milyong mga Pilipino upang magprotesta sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).

Dahil sa matagumpay na pag-aaklas, nagresulta ito ng paglaganap ng Demokrasya sa Pilipinas, pagpapalakas ng Ekonomiya, at pagkakatatag ng Commission on Human Rights (CHR).

"Huwag kalimutan ang nakaraan, nang may matutunan." Iyan ang magiging susi sa kinabukasan. Gaya ng naging karanasan ng ating kapwa Pilipino noong panahon ng Martial Law, nawa'y isa iyon sa maging tanda upang pumili ng tamang lider na mamumuno sa ating bansa.

Wika at Kultura, Daan sa PagkakaisaSa bawat wika, sa bawat kultura,Ang pagkakaisa'y ating nakikitaSa bawat pagdiriwang, ...
11/11/2024

Wika at Kultura, Daan sa Pagkakaisa

Sa bawat wika, sa bawat kultura,
Ang pagkakaisa'y ating nakikita
Sa bawat pagdiriwang, sa bawat pagsasamahan,
Ang ating pagkakaisa'y ating pinapatunayan

Sa kabila ng pagkakaiba, sa kabila ng pagkakahati,
Ang wika at kultura'y ang siyang nag-uugnay sa atin
Sa pag-unawa, sa pagtanggap, sa pagmamahalan,
Ang ating pagkakaisa'y ating pinapahalagahan

Sa bawat henerasyon, ang mga ito'y ating ipapamana,
Magkahawak ang kamay, sabay na naglalakad,
Wika at kultura, di kailanman maghihiwalay

Payong kaibigan nga naman 🫣Riks | FIL-SOC CLUB
11/11/2024

Payong kaibigan nga naman 🫣

Riks | FIL-SOC CLUB

Pasensya na, sa espasol pa rin ng Laguna ang puso ko. πŸ₯°Sam | FIL-SOC CLUB
11/11/2024

Pasensya na, sa espasol pa rin ng Laguna ang puso ko. πŸ₯°

Sam | FIL-SOC CLUB

Sana all ipinaglabanYang | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Sana all ipinaglaban

Yang | FIL-SOC CLUB

Kaya pala walang tayo, kasi wala akong kalendaryo. πŸ₯ΊDrew | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Kaya pala walang tayo, kasi wala akong kalendaryo. πŸ₯Ί

Drew | FIL-SOC CLUB

Sana uno rin makuha mo sa GWA 😁Pink | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Sana uno rin makuha mo sa GWA 😁

Pink | FIL-SOC CLUB

Make sure nakakain na ng saging ang lahat 🍌Riks | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Make sure nakakain na ng saging ang lahat 🍌

Riks | FIL-SOC CLUB

Kaya ko rin naman, kaso naalala ko, 'di pala s'ya ang para sa akin. Yuri | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Kaya ko rin naman, kaso naalala ko, 'di pala s'ya ang para sa akin.

Yuri | FIL-SOC CLUB

Sorry, my false πŸ₯²Eli | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Sorry, my false πŸ₯²

Eli | FIL-SOC CLUB

Gising na, imulat mo na ang iyong mata na hanggang kaibigan ka lang talaga.Drew | FIL-SOC CLUB
10/11/2024

Gising na, imulat mo na ang iyong mata na hanggang kaibigan ka lang talaga.

Drew | FIL-SOC CLUB

Ang lamig ng simoy ng hangin.Sam | FIL-SOC CLUB
09/11/2024

Ang lamig ng simoy ng hangin.

Sam | FIL-SOC CLUB

Address

Macabebe
2018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SNA: CCEI Fil-Soc Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category