08/10/2026
๐โจ HAYAANG DUMALOY ANG MGA KUWENTO, AT UMUSBONG ANG KAALAMAN!
Ang University Libraries โ Lucena, katuwang ang LIB.COM, ang organisasyon ng mga mag-aaral ng Bachelor of Library and Information Science (BLIS), ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Book Week 2026 na may temang: โBasa, Salin, Daloyโ.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, magsasagawa ang University Libraries at LIB.COM ng mga hybrid na gawain na naglalayong itaguyod ang pagbabasa, pagkamalikhain, pagbabahagi ng kaalaman, information literacy, at pagpapahalaga sa aklatan bilang lugar ng pagkatuto, pagtuklas, at pagbuo ng mga pangarap.
๐จ KOMIKS-MAKING CONTEST
โBasa, Salin, Daloy: Ang Aklatan ng Pangarapโ
Ibahagi ang iyong mga kuwento at gawing makulay ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento!
๐ผ๏ธ POSTER-MAKING CONTEST
โSALIN: Tulay ng mga Kuwento, Daluyan ng Kaalamanโ
Ipakita sa pamamagitan ng sining kung paano nagiging tulay ang mga kuwento, aklat, at pagbabasa sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan.
๐ง QUIZ BEE
โDALOY: Tuklas-Kaalamanโ
Subukin ang inyong kaalaman, hasain ang kritikal na pag-iisip, at ipakita ang husay sa pagtutulungan!
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, sama-sama nating ipagdiwang ang Basa, Salin, Daloy kung saan ang bawat kuwento ay nagiging tulay, ang bawat kaalaman ay patuloy na dumadaloy, at ang aklatan ay nagsisilbing tahanan ng mga pangarap.
๐
Oktubre 26โ30, 2026
๐ Library Seminar Hall
Halinaโt makiisa at maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng National Book Week 2026!