18/05/2026
๐๐๐, ๐ฆ๐๐ค๐ ๐ข๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ!
๐ฐ โKapag โdi kami nagsusulat, hinahanap niyo kami. Tapos ngayong magsasalita kami, tatanungin niyo kung bakit kami nandito?โ ๐
Sa panahon ng ingay, maling impormasyon, at mga kuwentong kailangang maiparinig, muling titindig ang mga mag-aaral na handang magsuri, magsulat, at manindigan para sa katotohanan.
Muling binubuksan ng The Town Crier / Ang Bandilyo ang pintuan para sa mga mag-aaral na may tapang magsulat, lakas magpahayag, at pusong handang magmulat ng kamalayan sa pamamagitan ng ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ (Batayan ng Aktibo at Natatanging Diskurso sa Obra ng Pamamahayag) na may temang:
๐ โBalita, Bayan, at Bukas: Paglinang sa Kakayahan ng Mga Mag-aaral na Mamamahayagโ
Layunin ng programang ito na malinang at mapahusay ang kaalaman, kakayahan, at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa larangan ng pampaaralang pamamahayagโmula sa pagsusulat at pag-uulat, pagkuha ng larawan, pagbuo ng editoryal, hanggang sa makabagong digital at mobile journalism.
โ๏ธ Kung ikaw ay:
๐๏ธ handang magsaliksik ng katotohanan,
๐ธ may matang mapanuri sa mga isyu,
๐๏ธ may boses na nais marinig, at
๐ก may panulat na kayang gumising ng isipan
Halinaโt makiisa, makialam, at maging bahagi ng bagong henerasyon ng mga mamamahayag na handang magbigay-liwanag sa bayan at kinabukasan.
Sa bawat tinta, may paninindigan.
Sa bawat balita, may pananagutan.
At sa bawat mamamahayag, may kapangyarihang baguhin ang bukas.
๐ Abangan ang mga susunod pang detalye, iskedyul ng mga sesyon, at iba pang anunsyo na ilalathala sa opisyal na pahina ng The Town Crier / Ang Bandilyo.
๐ Registration Link:
https://forms.gle/LykLtpLbxpNTXozNA