15/09/2025
Wika: Tali ng Nakaraan โ Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 sa OMSCโLubang Campus
Noong Agosto 29, 2025, ipinagdiwang ng Occidental Mindoro State CollegeโLubang Campus ang Buwan ng Wika na may temang โPagtalima sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ Layunin ng pagdiriwang na ipakita ang kahalagahan ng pambansang wika at mga katutubong wika bilang pundasyon ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Pinangunahan ni Dr. Miguel C. Elausa, Campus Direktor, ang pagbubukas ng programa sa pamamagitan ng isang makabuluhang mensahe na nagbigay-diin sa papel ng wika sa paghubog ng pagkakakilanlan ng bansa.
Ibaโt ibang patimpalak ang isinagawa sa unang bahagi ng programa tulad ng malikhaing pagkukuwento, pagsulat ng sanaysay, tula, at Hapag Pinoy. Sa paligsahan ng Malikhaing Pagkukuwento, nagwagi si Bb. Syrine Aguilar bilang kampeon. Sa Pagsulat ng Tula naman, itinanghal na nagkampeon si Bb. Pauline Villaluna mula sa BEED. Nakamit din ng BEED ang ikalawang pwesto sa Paligsahan ng Hapag Pinoy.
Sa ikalawang bahagi ng programa, isinagawa ang patimpalak sa pag-awit ng Kundiman at ang patimpalak na Lakan at Lakambini. Nakamit ni Bb. Fatima Fernando ang ikalawang pwesto sa Pag-awit ng Kundiman. Samantala, itinanghal na Lakan si G. Aldrin Tarcena at Lakambini si Bb. Wenalyn Q. Balonga. Nagtamo rin ng karangalan si G. Christian V. Acbang bilang unang pwesto at si Bb. Hershelle Ann B. Roxas bilang ikalawang pwesto. Sa kabuuan, itinanghal na pangkalahatang kampeon ang Departamento ng Edukasyong Pang-Elementarya (BEED).
Sa pagtatapos ng programa, maingat itong isinara ni G. Rogelio T. Dimaranan sa pamamagitan ng isang makabuluhang mensahe. Sinundan ito ng pag-awit ng OMSC Hymn.
Pinatunayan ng naturang pagdiriwang na ang wika ay hindi lamang daluyan ng kaalaman, kundi isa ring makapangyarihang instrumento sa pagpapatibay ng pambansang identidad at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.