12/09/2026
๐๐๐๐๐๐ | Busngol Elementary School Nakiisa sa Nationwide School Safety Simulation Drill
BUSNGOL, Puerto Princesa City | Setyembre 11, 2026 โ Matagumpay na nakiisa ang Busngol Elementary School sa isinagawang Nationwide Simultaneous School Safety Drill noong Setyembre 11 bilang bahagi ng kampanya ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang kahandaan ng mga paaralan sa pagtugon sa mga posibleng banta at emerhensiya.
Bago isinagawa ang aktwal na drill, nagsagawa muna ang paaralan ng Pre-Orientation para sa mga mag-aaral, g**o, at mga magulang upang maipaliwanag ang layunin, mga hakbang sa kaligtasan, at ang wastong gagawin ng bawat isa sakaling magkaroon ng emergency o aktibong pag-atake sa loob ng paaralan. Ang naturang oryentasyon ay sinuportahan ng mga opisyal ng Barangay, Barangay Tanod, at Barangay Health Workers (BHW).
Bilang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa ng simulation kung saan ipinakita ang tamang proseso ng pag-alerto, paglikas, at pagprotekta sa mga mag-aaral at school personnel. Agad namang tumugon ang mga miyembro ng Barangay Peace and Order Team sa pamumuno ni Kapitan Jeramel Pulanco kasama si Kagawad Edwin Hernandez Mejollo, mga Barangay Tanod, at Barangay Health Workers upang magsagawa ng coordinated response operation.
Matapos maisagawa ang evacuation procedure, isinagawa rin ang basic first aid demonstration at emergency response activities para sa mga mag-aaral na kunwaring naapektuhan ng insidente. Layunin nitong mabigyan ng praktikal na kaalaman ang mga kalahok kung paano kumilos nang mahinahon at ligtas sa panahon ng krisis.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA), mga magulang, at iba pang stakeholders upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng paaralan at komunidad sa usapin ng kaligtasan ng mga bata.
Ayon kay Kagawad Edwin Mejollo, mahalaga ang pagsasagawa ng mga ganitong uri ng drill upang madagdagan ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral at mamamayan sa anumang insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa loob ng paaralan.
"Sa pamamagitan ng mga safety drill na ito, natututuhan ng ating mga mag-aaral ang tamang pagresponde sa mga sitwasyong pang-emergency. Mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng mga magulang, g**o, at barangay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat bata," ani Mejollo.
Ipinakita ng matagumpay na aktibidad ang matatag na pagtutulungan ng Busngol Elementary School, Barangay Government Unit, SPTA, mga magulang, at iba pang katuwang sa komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas, handa, at matatag na kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat ng mag-aaral.
Nagpapasalamat ang paaralan sa tulong at supporta ng Bgy. Sta. Lourdes Council sa Busngol Elementary School.