All UP Academic Employees Union - Los Baños

All UP Academic Employees Union - Los Baños Opisyal na page ng All UP Academic Employees Union - Los Baños

AUPAEU-LB Faculty Consultation, matagumpay na naisagawa ang pagbubuo sa updated Faculty-REPS Agenda!Makabuluhan at matag...
24/08/2026

AUPAEU-LB Faculty Consultation, matagumpay na naisagawa ang pagbubuo sa updated Faculty-REPS Agenda!

Makabuluhan at matagumpay na naisagawa ng kaguruan ng UPLB ang muling pagbubuo ng isang napapanahon at komprehensibong Faculty Agenda ngayong araw, Agosto 24, 2026 sa CAS Annex 2 MPH 1 sa anyo ng malaya at maninsinang konsultasyon sa pangunguna ng All UP Academic Employees Union-Los Baños (AUPAEU-LB) na ginabayan at tinuwangan ng All U.P. Academic Employees Union National Executive Board sa katauhan ni Prop. Rommel Rodriguez, Pambansang Pangulo at kasalukuyang Faculty Regent, Prop. Early Sol Gadong na nagbahagi rin ng mga ulat mula sa kaniya-kaniyang opisina at Educational Discussion hinggil sa Democratic Governance sa Unibersidad.

Samantala, pinadaloy naman nina: Kat. Prop. Jethro Daryll Pugal, Pangalawang Pangulo para sa Kaguruan; Kat. Prop. Glenn Ray Briones, Kalihim; at Kat. Prop. Cris Lanzaderas, Ingat-Yaman ng AUPAEU-LB ang muling pagbubuo at pag-a-update sa UPLB Faculty Agenda na bahagi ng kabuoang Faculty-REPS agenda na naglalaman ng kolektibong danas, pagtatasa, at panawagan na ilalapag sa mga nominado para sa susunod na UPLB Chancellor na magiging gabay ng sinoman na susunod na mamumuno sa Unibersidad upang makalikha ng mga desisyon, polisiya at programa na tutugon sa tunay na pangangailangan at pakikipagkaisa sa akademikong sektor.

Gayundin, nag-alay ng isang kultural na pagtatanghal si Kat. Prop. Ian Lomongo, Tagapangulo ng Tanghal Makiling na sinundan naman ng worksyap at malayang talakayan hinggil pa rin sa mga kaygnay na usapin sa Faculty-REPS Agenda.

Ang Faculty Consultation na ito ay isa lamang sa mga gawain ng AUPAEU-LB kaugnay ng multisektoral na kampanya sa UPLB ngayong nagpapatuloy ang proseso ng paghahanap sa susunod na pipiliing Chancellor ng Unibersidad.

Asahan na ipadadala ang rebisado at pinal na kopya ng nasabing Agenda sa mga susing opisina at komite sa susunod na mga linggo.

Mabuhay ang Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo! Isulong ang Demokratikong Pamamahala sa Unibersidad! Itaguyod ang Unibersidad ng Bayan para sa lahat dahil ATIN ANG UPLB!

------
Pasasalamat sa palagiang suporta ng Opisina ng Faculty Regent, AUPAEU-National at UPLB College of Arts and Sciences na nagpahiram ng kanilang mga espasyo at pasilidad.

TAYO'Y MGA SULO NA PATULOY SA PAG-ALAB25 Taon ng Miltante, Progresibo, Makabayang Unyonismo:Mag-aral, Mag-organisa, Maki...
21/08/2026

TAYO'Y MGA SULO NA PATULOY SA PAG-ALAB
25 Taon ng Miltante, Progresibo, Makabayang Unyonismo:
Mag-aral, Mag-organisa, Makibaka!

Ika-25 taon ngayon ng All UP Academic Employees Union! Abangan ang mga nakahanay na aktibidad at programa sa iba't ibang balangay sa buong UP System ngayong Oktubre 2026!



TAYO'Y MGA SULO NA PATULOY SA PAG-ALAB
25 Taon ng Militante, Progresibo, Makabayang Unyonismo:
Mag-aral, Mag-organisa, Makibaka!

Ika-25 taon ngayon ng All UP Academic Employees Union! Abangan ang mga nakahanay na aktibidad at programa sa iba't ibang balangay sa buong UP System ngayong Oktubre 2026!



Sa Lunes na ito! Dumalo at magpadalo po tayo sa mga kasamang Faculty at REPS sa ating mga opisina sa UPLB. Takits!
20/08/2026

Sa Lunes na ito! Dumalo at magpadalo po tayo sa mga kasamang Faculty at REPS sa ating mga opisina sa UPLB.

Takits!

19/08/2026
MGA G**O, REPS, AT KAWANI NG UPLB:IPARINIG ANG INYONG TINIG,SAMA-SAMA TAYONG TUMINDIG!ATIN ANG UPLB!Dumalo at magpadalo ...
15/08/2026

MGA G**O, REPS, AT KAWANI NG UPLB:
IPARINIG ANG INYONG TINIG,
SAMA-SAMA TAYONG TUMINDIG!
ATIN ANG UPLB!

Dumalo at magpadalo sa mga isasagawang konsultasyon para sa mga g**o at REPS ngayong darating na 24 Agosto 2026 Bahagi ito ng ating pagbuo ng UPLB Faculty-REPS Agenda, na siya naman nating ihahain sa magiging susunod na tsanselor ng ating pamantasan.

Makakasama natin sa Faculty at REPS Consultations ang ating Faculty at Staff Regents, at mga opisyales ng All UP Academic Employees Union at ng UPLB administration.

Magparehistro na!

Faculty Consultation Pre-registration: https://forms.gle/7sMkLeXnPXJr5Bbb9
REPS Consultation Pre-registration: https://forms.gle/tqyUKZXLaGfFpovP6



ACADEMIC FORUM AT BASIC MASS INTEGRATION SA CARBON PUBLIC MARKET SA CEBU, ISINAGAWA! Naganap kahapon, Agosto 12, 2026 an...
13/08/2026

ACADEMIC FORUM AT BASIC MASS INTEGRATION SA CARBON PUBLIC MARKET SA CEBU, ISINAGAWA!

Naganap kahapon, Agosto 12, 2026 ang Academic Forum pagkatapos ng programa ng AUPAEU National Council Meeting sa UP Cebu. Ang Academic Forum ay nilahukan ng delegasyon ng AUPAEU National Council at Faculty Regents, kawani, at kaguruan mula sa iba’t ibang State Universities and Colleges sa mga rehiyon sa Visayas at Mindanao. Tinalakay nina Prop. Carl Marc Ramota na Vice Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, Prop. Wilfredo Alangui na Pangulo ng All U.P. Academic Employees Union- Baguio Chapter, Prop. Reemar Alonsagay mula sa Mindanao State University, Bb. Lucky Loreen Legaspi mula sa UP Cebu, Prop. Rommel Rodriguez na Pambansang Pangulo ng All U.P. Academic Employees Union at Prop. Early Sol Gadong mula sa Opisina ng Faculty Regent ang katuturan, halagahan, kalagayan at kinakaharap na mga hamon sa usapin ng Academic Freedom sa Higher Education Institutions.

Nagbahaginan din ang mga tagapagsalita at mga dumalo ng kani-kanilang danas na mahalaga sa pagpapatuloy ng pakikibaka para sa ganap na pagpapalakas at pagtatanggol sa Academic Freedom ng sektor ng edukasyon.

Sinundan naman ang Academic Forum ng Basic Mass Integration sa mga manininda ng Carbon Public Market na kinakaharap sa banta sa kabuhayan at nakikibaka sa laban sa nakaambang pribatisasyon at development aggression na pinangungunahan ng Megawide Construction Corporation kasapakat ang lokal na pamahalaan ng Cebu at iba pang korporasyong nagnanais na mapagsamantalaha't mapasakamay ang pamamalakad sa upa, kaayusan sa hanapbuhay at takbo ng komersyo ng mga manininda na deka-dekada nang namamalagi sa itinuturing na pinakamatandang pampubliko na pamilihan sa lalawigan ng Cebu.

Nakikiisa ang Acad Union LB sa panawagan na dependahan ang Academic Freedom at ipagtagumpay ang interes ng sambayanan sa seguridad sa espasyo sa kabuhayan at kalayaan sa lugar-paggawa, Save Carbon Public Market!✊🏻



AUPAEU National Council Meeting sa Ika-25 Taon ng Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo, matagumpay na idinaos! ...
12/08/2026

AUPAEU National Council Meeting sa Ika-25 Taon ng Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo, matagumpay na idinaos!

Matagumpay na nagtapos ang All U.P. Academic Employees Union National Council (NC) Meeting na ginanap simula kahapon hanggang kaninang umaga (Agosto 11-12, 2026) sa UP Cebu sa pangunguna ng National Executive Board katuwang ang All UP Academic Employees Union- UP Cebu Chapter. Tema ng NC meeting ngayong taon ay, "Kusog ug Panaghiusa, Asdang sa Pakigbisog (Lakas at Pagkakaisa, Sulong sa Pakikibaka: 25 Taon ng Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo." Dinaluhan ang NC meeting ng siyam na balangay ng akademikong unyon sa UP kasama ang AUPAEU-LB. Kasama rin aa nasabing pulong ang Opisina ng Faculty Regent na nagbahagi rin sa mga plenaryong paksa.

Layunin ng NC meeting na regular na konsolidahin ang kalagayan ng akademikong sektor na kinakatawan ng mga balangay ng AUPAEU sa buong UP System, mag-ulatan ng mga naging gawain at narating ng akademikong unyon sa bawat Constituent University, makabuo ng mga resolusyon na magiging batayan ng mga pakikibaka at kampanyang masa, gawaing edukasyon at organisasyon. Inaasahan na sa diwa pa rin ng militante, progresibo at makabayang unyonismo, ang mga resolusyon ay ilalangkap sa mga paparating na gawain ng balangay ng Los Baños lalo pa't kasalukuyang nagaganap ang pagpili sa susunod na UPLB Chancellor na mahalagang aspekto sa pagsusulong ng Demokratikong Pamamahala sa Unibersidad.

Tuloy-tuloy ang ating mga laban para sa Sahod, Trabaho at Karapatan! Tuloy-tuloy ang pagsusulong ng Makabayan, Siyentipiko ar Makamasang Edukasyon.

Mabuhay ang MPMU! Mabuhay ang 25 taon ng pagkakaisa at pakikibaka!

Unyon! Unyon ng Manggagawa, Itayo! Itayo! Ipaglaban! ✊🏻

11/08/2026
Opisyal nang Inilabas ang listahan ng mga nominado para sa susunod na UPLB Chancellor. Basahin at suriin ang kanilang Vi...
07/08/2026

Opisyal nang Inilabas ang listahan ng mga nominado para sa susunod na UPLB Chancellor. Basahin at suriin ang kanilang Vision Papers at aktibong makilahok sa isasagawang serye ng konsultasyon ng ating unyon.

Isulong ang Demokratikong Pamamahala sa Unibersidad! ✊🏻

Address

TCC-16 (Old Maquiling School), Pedro R. Sandoval Avenue, University Of The Philippines Los Baños
Los Baños
4031

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All UP Academic Employees Union - Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to All UP Academic Employees Union - Los Baños:

Shortcuts

Share

Category