15/11/2019
"Mamamasko po."
For sure once in your life, naranasan mong mamasko noong ikaw ay bata pa. At tuwang tuwa ka kapag binigyan ka kahit barya lang. Sabay sabing...
"Thank you. Thank you very much to you. Thank you."
Tapos lilipat naman ng ibang bahay na pamamaskuhan.
Nakakatuwang balikan.
Pero diba't mas nakakatuwa kung ikaw naman ang magiging dahilan ng tuwa at ngiti ng mga bata ngayon?
Ang IHub PH ay magkakaroon ng maagang pamasko sa mga bata at magulang mula sa Riverside (Batong Malake Los Baños Laguna).
This is a Christmas Gift Giving Celebration entitled "PASKO SA RIVERSIDE", to be held this coming December 1, 2019 (Sunday), 2:00PM.
"Paano ako makakatulong o makikibahagi?"
Siguro'y tanong mo iyan habang binabasa ito. Una ay nagpapasalamat na agad kami sa iyo sa pagbibigay ng oras na basahin ang post namin.
Maaari kang magbigay "IN KIND" gaya ng damit, laruan, school supplies, groceries, toiletries o kung ano man na magiging kapaki-pakinabang sa mga bata.
Please contact us here: https://m.me/ihubph?ref=Pasko para makipagugnayan.
"Awww. Nasa ibang bansa kami pero gusto kong tumulong."
As much as possible po sana ay "in-kind" pero dahil sa gusto rin namin mai-accomodate ang tulong ninyo, we will be accepting cash (Fund transfer to BPI, BDO, PNB, Landbank, Metrobank, GCASH, Cash Remittance, PayPal, Credit Cards).
All you need to do it to message us here: https://m.me/ihubph?ref=Pasko
"for God loves a cheerful giver."
Hindi man namin kayo mapasalamatan personally or with token of appreciation, alam naming ang Poong Maykapal ang patuloy na magbibiyaya sa inyo.
Kaya muli, maraming salamat.
👉 https://m.me/ihubph?ref=Pasko
PS: Kung nakarating ka sa pagbabasa hanggang sa dulo. May request din sana kami. Malaking bagay na po sa amin kung mag-like o mag-share kayo ng event post namin.😀