26/05/2026
Alas-tres na ng madaling araw. Hindi ko na yata kaya..."
Relate ka ba sa puyat, pagod, at bigat ng pagiging estudyante? Sa bawat patak ng luha sa libro at bawat sentimong pinagpaguran ng ating mga magulang, may isang pangarap na nagtutulak sa ating bumangon.
Ipinagmamalaki naming BEED 3201 ang aming interpretasyon ng "Sa Pintuan ng Bukas"—isang pagpupugay sa determinasyon ng bawat mag-aaral na nagtitiwala sa Gabay ng Maylikha at nangangarap na masuklian ang sakripisyo ng pamilya.
Hindi lang ito tula; ito ang aming kwento. Sa gitna ng hirap ng ikatlong taon, narito kami—nagkakaisa, lumalaban, at hindi susuko. Isang hakbang na lang. Konting tiis na lang. Handa na kaming tumawid sa kabilang pampang!🎓
SA PINTUAN NG BUKAS, KAMI AY HANDA NA!