03/04/2021
Binubuksan ng ADLAW, ang opisyal na organisasyon ng sining at kultura ng De La Salle Lipa, ang kanilang pintuan para sa mga bagong miyembro na sumailalim sa proseso ng awdisyon. Pagpupugay sa mga sumusunod na tao na tinawag ni Apo Laki na maging disipolo ng sining! Maraming salamat!
22/03/2021
Isa muling paalala sa lahat ng mga mag-aaral sa DLSL-SHS, amin kayong iniimbatahang sumali sa Adlaw at sabay-sabay tayong magpalaya gamit ang kaniya-kaniyang sining.
18/03/2021
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ating silipin ang makasaysayang buhay ng isang babaeng aktibista at suffragette na ibinida sa Google Doodle noong Marso 4, si Rosa Sevilla de Arvelo.
08/03/2021
Narito muli ang Adlaw upang pagningasin ang apoy nito, sa pamamagitan ng limang sangay ay sabay-sabay nating abutin ang inaasam na kalayaan.
Ngunit, bago ang lahat narito ang mga mekaniks sa bawat sangay upang tayo ay may patnubay at gabay sa kung ano nga ba ang nais na makita ng Adlaw sa mga ipapasa niyong awtput.
06/03/2021
Narito na ang mga mangunguna sa Bagwis Balita na sina, Jhustin Dipasupil at Hannah Frane. Bibigyan nila ng liwanag ang bawat isa patungkol sa mga nangyayari sa loob ng Adlaw. Abangan ang Bagwis Balita sa ika-20 ng Marso. Lumaya at Magpalaya!