Tula ni Ka Orlz

Tula ni Ka Orlz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tula ni Ka Orlz, Education Website, Lipa City.

29/07/2025

You Are a Bubble

Why is it that you’re often poison in my memory?
Seeing you in sadness only deepens the pain in me.
There’s a past that once arrived — will tomorrow ever come?
Was it my fault, or is it just how things become?

Like you, I’m drowning too — in wishes unfulfilled,
Dreams of yesterday that left, hearts quietly stilled.
Should I just wait for tomorrow to reach out again,
Like your promise fading slowly in my blurring vision then?

When the wind carried you away, I braced myself with care,
Hoping somehow I could catch you, if you returned from thin air.
But as the light came clearer, I saw what you really were —
Just a bubble — floating freely, giving nothing in return.

29/07/2025

Ka Bit

Nangyari ang dapat hindi mangyari,
Umakyat ako ng mataas, ngunit ikaw lang ang pumuri..
Silang aking inasahan, habang ako'y namumuti,
Ikaw lang ang nasilayan,habang ako'y nabibigti.

Kaya loob ko'y nahulog, sa bawat ngiti mong kinukubli,
Sulyap mong kay sarap, nais kitang ipalamuti..
Kaya ng ako'y naguluhanan, di kita isinantabi,
Di tulad niyang patay ko atang katabi...

Pinagbabawal na pag-ibig, sa'yo ko naramdaman,
Ang langit sa lupa, di ko hangad na magdamdam,
Syang dati kong iniirog, ngayon siyang nasusuklam,
Kaya ngayon ang langit koy, ikaw na s'yang inaalam.

29/07/2025

Ika'y Bula

Bakit ba kadalasang lason ka ng gunita,
Ang makita kang nalulungkot, lalo akong nadudukha,
May nakaraang dumating may bukas na lang kaya,
Ako ba ang may sala, o bakit ba kaya?

Tulad mo rin akong lunod,sa pag aasam.
Na may bukas na kahapong pangarap na nagpa alam.
Bukas na lang kaya ako sayo'y magparamdam,
Na para bang pangako mong, sa mga mata kong sumisilam.

Nong liparin ka ng hangin, agad akong naghanda,
Baka sakaling masalo kat, sa buhay ko'y rumagasa,
Ngunit ng magliwanag ,ikaw pala'y isang BULA
Lumipad at mapadpad ma'y wala akong napapala..

29/07/2025

Punyal Kong Pangarap

Kung di ngat sinabi ko ,noon pang una,
Maningalang pugad ay, parang ating tadhana,
Gugustohin din namang tunay ay nakakawala,
Anuhin ko aring si Juan na syang tunay na pinagpala,

Noong unay aayaw, titingin sa malayo,
Tapos yuyukot, lingunin moy nagtatago,
Anino ko mang iwari, ay syang sumusuko,
Ngunit ng masilayan kay, nagmamatipuno.

Bathala kang ituring, aking sinisinta,
At sa dilim ng gabing sa puso koy lampara ka,
Hinanap kita noon, doon dito roon,
Ano bang tadhana kong, nais ko ng ikakahon?

Kaya ako na si Juan ay nagsusumikap,
Ngunit ang tulad moy, langit at alapaap.
Ang nais kong akin kay, kay lalim na pangarap,
Malamim pa sa karagatang, punyal sa puso kong nakatarak.

Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Lipa City
4217