Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City

Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City, School, Antipolo del sur, Lipa City.

Photos from Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City's post 01/06/2026

πŸ“šβœ¨ BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM & DAY 1 βœ¨πŸ“š

Matagumpay na naisagawa ng Jose K. Obando Memorial Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program at Day 1 sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, pakikiisa, at malasakit ng ating komunidad para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ama ng ating barangay kap. Noel G. Bathan, sa mga Kagalang-galang na Konsehal, mga Barangay Functionaries, sa ating SGC President Gng. Heidi Ricafort, sa ating SPTA President Gng. Aireen Cirnito, sa ating mga stakeholders, mga magulang, volunteers, at sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras, lakas, at suporta upang maging matagumpay ang unang araw ng Brigada Eskwela.

Ang inyong malasakit at diwa ng bayanihan ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong pamayanan. Sa bawat nalinis, naayos, at naihandang pasilidad, mas napapalapit tayo sa isang ligtas, maayos, at masiglang pagbubukas ng klase para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang JKOMES!







Photos from Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City's post 31/05/2026

Taos-puso pong nagpapasalamat ang buong paaralan sa ating masipag at bukas-palad na Punong Lungsod na si Mayor Eric Africa sa kanyang ipinagkaloob na suporta para sa ating Brigada Eskwela 2026. Ang inyong tulong ay malaking ambag sa paghahanda ng ating paaralan upang maging mas maayos, ligtas, at handa para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit at suporta sa edukasyon at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Tunay na ang inyong paglilingkod ay inspirasyon sa aming lahat. πŸ’™πŸ“šπŸ«

17/05/2026

πŸ“£βœ¨ TARA NA AT MAKIBRIGADA!βœ¨πŸ“£

Sa muling pagbubukas ng panibagong taong panuruan, sama-sama nating ipakita ang diwa ng bayanihan para sa mas maayos, ligtas, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral! πŸ’™πŸ“š

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, volunteers, stakeholders, at mga kabarangay na makiisa sa aming:

πŸŽ‰ BRIGADA ESKWELA 2026
πŸ“ School Kick-off Program
πŸ•– 7:00 AM | Monday,
πŸ—“οΈ June 1, 2026

πŸ“Œ Assembly for Parade: 6:30 AM | Primera, Anilao

πŸ’ͺ Maaari rin po kayong makibahagi sa pamamagitan ng:
🧹 Pagdadala ng cleaning materials
🎨 Painting tools
🌱 Gardening supplies
πŸ“– Learning materials
πŸ₯ Medical/health supplies
πŸ‘· O kaya’y manpower at boluntaryong serbisyo

Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay malaking ambag para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. ❀️

πŸ“£ Makiisa. Makibahagi. Makibayanihan.
Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas at matagumpay na pagbabalik-eskwela! πŸ’™πŸ’›




Photos from Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City's post 06/05/2026

We warmly welcome our learners to the ARAL Summer Program! This program is designed to help students strengthen their skills in reading, writing, and mathematics while enjoying fun and interactive learning activities.

06/05/2026

πŸ“£ BRIGADA ESKWELA & ENROLLMENT ANNOUNCEMENT 2026 πŸ“£
πŸŽ’βœ¨ Makiisa, Makibahagi, at Maghanda para sa Bagong Taong Panuruan! βœ¨πŸŽ’
Inaanyayahan ang lahat ng magulang, mag-aaral, at komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 at sa Enrollment Period para sa School Year 2026–2027!
πŸ“… Brigada Eskwela
πŸ—“οΈ June 1–5, 2026
🀝 Sama-samang paglilinis, pag-aayos, at paghahanda ng ating mga paaralan para sa ligtas at maayos na pagbabalik-eskwela.

πŸ“ Enrollment Schedule
πŸ—“οΈ June 1–5, 2026
πŸ“ Magpatala nang maaga para sa mas maayos na proseso ng pag-enroll.

Photos from Deped Tayo Jose K. Obando Memorial Elementary School- Lipa City's post 06/05/2026

Thank you very much to our Barangay Captain Noel Bathan and the members of the Sangguniang Barangay for your generous support for our Oplan Balik Eskwela. The school supplies you provided greatly assist our pupils in preparing for the new school year.

We truly appreciate your kindness and care for the children in our community.

06/05/2026

Mapagpalang araw mula sa Jose K. Obando Memorial Elementary School!

Handa na kami para sa pagbubukas ng klase ngayong Taong Panuruan 2026–2027!
Ang aming paaralan ay aktibong nakikibahagi sa Oplan Balik Eskwela 2026, isang inisyatibong naglalayong masiguro ang maayos, ligtas, at organisadong pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa paaralan.

Upang matugunan ang inyong mga katanungan at alalahanin kaugnay sa pagbabalik-eskwela, narito ang Oplan Balik Eskwela – Public Assistance Command Center (OBE-PACC) ng aming paaralan na handang tumugon at magbigay ng kinakailangang impormasyon at tulong.

Sama-sama nating salubungin ang panibagong taon ng pagkatuto!

Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Antipolo Del Sur
Lipa City
4217

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm