CEAS- BSEd Filipino 4A

CEAS- BSEd Filipino 4A Ang opisyal na hatirang pangmadla ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon- Nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Seksyong Filipino 4A.

๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Sa bawat henerasyon ay may mga liwanag na hindi kailanman nagpapahintulot na maupos. Sa ikatlong taon ...
29/06/2026

๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Sa bawat henerasyon ay may mga liwanag na hindi kailanman nagpapahintulot na maupos. Sa ikatlong taon ng ๐บ๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘‘ ๐‘‡๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘™๐‘Ž๐‘ค, ating binibigyang-pugay ang mga natatanging mag-aaral ng ikatlong taon sa Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon, Nagpapakadalubhasa sa Filipino, ng Dalubhasaan ng Edukasyon at Kaalyadong Agham.

Ang mga tanglaw na hindi lamang nagningning sa talino, kundi nagpatuloy na magliyab sa gitna ng unos. Habang sinusubok ng daluyong ang kanilang lakas, lalo nilang pinatingkad ang ningas ng determinasyon at walang humpay na pakikibaka. Sapagkat ang tunay na tanglaw ay hindi lamang nagbibigay-liwanag sa sariling landas, bagkus ay nagsisilbing ilaw na gumagabay at nagbibigay-inspirasyon sa iba. Sa kanilang mga tagumpay, higit na nagniningning ang dangal ng wikang Filipino at ng kinabukasang kanilang patuloy na binibigyang-liwanag.

Panulat | R-Jay Berdin
Debuho | Jodell Lique & R-Jay Berdin

Sa aming pinakamamahal na Inay,Sa bawat araw na kamiโ€™y inyong ginabayan, unti-unti naming natuklasan na ang pagtuturo ay...
05/04/2026

Sa aming pinakamamahal na Inay,

Sa bawat araw na kamiโ€™y inyong ginabayan, unti-unti naming natuklasan na ang pagtuturo ay hindi lamang nasusukat sa talino, kundi higit sa puso. Sa inyong mga salita at pagkalinga, kamiโ€™y nahubog hindi lamang bilang mga mag-aaral, kundi bilang mga taong marunong umunawa, magpahalaga, at manindigan.

Maraming salamat po sa inyong walang humpay na pag-aaruga at pagtitiwala sa aming kakayahan, lalo na sa mga panahong kamiโ€™y pinanghihinaan ng loob. Kayo ang naging liwanag sa aming mga alinlangan, ang tinig na marahang nagpapaalala na kaya pa naming lumaban. Sa katahimikan ng aming mga pangamba, kayo ang naging yakap na hindi nakikita, ngunit lubos naming nararamdaman.

Hindi man namin ito madalas masambit, ngunit sa bawat aral na inyong ibinahagi, may bahagi ng inyong puso ang nanahan sa amin. Sa inyo namin naranasan ang isang inang handang umunawa, gumabay, at magtiis alang-alang sa aming pag-unlad.

Napakalaking biyaya po para sa amin, bilang Seksiyong Filipino 3A, ang makilala at makasama kayo sa yugtong ito ng aming paglalakbay. Ang inyong kabutihan at malasakit ay mananatiling nakaukit sa aming alaala, patuloy na magsisilbing tanglaw sa aming hinaharap.

Sa inyong kaarawan, taimtim naming ipinapanalangin na ang bawat hiling ng inyong puso ay matupad. Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng lakas, ligaya, at kapayapaan, sapagkat karapat-dapat po kayo sa lahat ng kabutihang maibibigay ng mundo.

Kayo po ang aming huwaran, hindi lamang sa pagtuturo, kundi sa sining ng tunay na pagmamalasakit.

Maligayang kaarawan po, aming Inay. Kayo ay aming mahal.

Taos-pusong bumabati at nagmamahal,
Seksiyong Filipino 3A

Dalangin ang nagliliyab na husay at hitik sa saysay na pagpapakitang-turo ng Filipino 4A kung saan ang bawat salitaโ€™y ma...
04/03/2026

Dalangin ang nagliliyab na husay at hitik sa saysay na pagpapakitang-turo ng Filipino 4A kung saan ang bawat salitaโ€™y may bigat at ang bawat paliwanag ay may linaw at bigwas; ang isipaโ€™y matatag, ang diwaโ€™y alpas sa takot at pag-aalinlangan.

๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐š๐ง โ€™๐Ÿ๐Ÿ”Sa pag-ihip ng bagong hangin ng pamumuno, sumibol ang sigaw na โ€œAbante Babae!โ€. Isang yugto kung saan kababa...
04/02/2026

๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐š๐ง โ€™๐Ÿ๐Ÿ”

Sa pag-ihip ng bagong hangin ng pamumuno, sumibol ang sigaw na โ€œAbante Babae!โ€. Isang yugto kung saan kababaihan ang nanguna at nagningning, tangan ang 11 sa 12 posisyon, patunay na hindi na sila nasa likod ng entablado kundi nasa gitna ng liwanag. Sa likod nitoโ€™y ang pasya ng Pamunuan '25 na ibigay ang baton sa mga bagong mukha, upang ang mga hindi pa nasusubok ay mabinyagan sa apoy ng paglilingkod at matutong maglayag sa alon ng responsibilidad.

Ngayon, sila ang mga sulo sa dilim ng ikalawang semestre. Mga lider na handang magbitbit ng mundo sa balikat, maghasik ng pag-asa, at gawing hagdan ang hamon. Hindi man perpekto ang simula, dala nila ang tapang na sumuong kahit nanginginig.

๐˜๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ โ€™26: ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฐ, ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข.

๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Ÿ.๐ŸŽIsang malubak, minsang nakakalito, at madalas nakakatawang semestre ang tinahak ng mga mag-aaral ng 3A. Sa gi...
15/01/2026

๐“๐€๐๐†๐‹๐€๐– ๐Ÿ.๐ŸŽ

Isang malubak, minsang nakakalito, at madalas nakakatawang semestre ang tinahak ng mga mag-aaral ng 3A. Sa gitna ng sabay-sabay na readings, biglaang recitation, at deadlines na parang may sariling buhay, hindi namin binitawan ang aming tanglaw. Hawak-hawak ang tiyaga, talino, at Ginkgo biloba, buong liwanag naming hinarap ang mga daluyong ng akademiko kahit minsan ay nagdidilim na ang paningin.

Ito ang 3A na nadadapa pero hindi sumusuko, napapagod pero pumapasa, at naliligaw man ay marunong bumalik sa tamang pahina. Mga mag-aaral na patunay na ang Filipino ay hindi lang asignatura kundi paninindigan. Sila ang mga ilaw na hindi basta nauupos, at buong pagmamalaking tanglaw ng ikatlong taon.

Pagbati kay Bb. Myka Caryll Sarcia bilang kabahagi ng matagumpay na CEAS DAYS 2025. Lubos ang aming paghanga sayo.
18/11/2025

Pagbati kay Bb. Myka Caryll Sarcia bilang kabahagi ng matagumpay na CEAS DAYS 2025. Lubos ang aming paghanga sayo.

Address

Kolehiyo Ng Lungsod Ng Lipa/Annex Campus
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CEAS- BSEd Filipino 4A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share