DepEd Tayo Lodlod Elementary School - Lipa City

DepEd Tayo Lodlod Elementary School - Lipa City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Lodlod Elementary School - Lipa City, Elementary School, Lodlod, Lipa City.

Photos from DepEd Tayo Lodlod Elementary School - Lipa City's post 23/06/2026

Welcome aboard, Sir John Patrick A. Rosales and Ma’am Liza M. Banog!

Wishing you both a meaningful journey as you begin this new chapter with us. May your dedication, passion, and commitment continue to inspire and make a difference in the lives of others. :)

17/06/2026

Thank you, Dr. Edwin O. Surwela, for sharing your expertise, wisdom, and unwavering support. Your visit and guidance have greatly contributed to our continuous growth and commitment to educational excellence. We deeply appreciate your time and dedication.

11/06/2026
08/06/2026

MARAMING SALAMAT, MGA KA-BRIGADA! πŸ’™πŸ«

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Lodlod Elementary School sa lahat ng stakeholders, volunteers, parents, alumni, partner organizations, barangay officials, pribadong indibidwal, at iba pang mga katuwang na buong pusong nakibahagi sa Brigada Eskwela 2026 na ginanap mula Hunyo 1–5, 2026.

Dahil sa inyong oras, lakas, talento, at walang sawang suporta, naging mas malinis, mas ligtas, at mas handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase. Ang bawat pawis, ngiti, at tulong na inyong ibinahagi ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa edukasyon ng ating mga mag-aaral.

Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay hindi lamang bunga ng pagsisikap ng paaralan kundi ng pagkakaisa ng buong komunidad. Kayo po ang dahilan kung bakit patuloy nating napapalakas ang ating paaralan at nabibigyan ng mas maayos na kapaligiran ang ating mga mag-aaral upang matuto at mangarap.

Maraming salamat sa inyong kabutihan at pakikiisa. Nawa’y patuloy tayong magtulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Lodenian!




πŸ’™πŸ“šβœ¨

04/06/2026

πŸ“’ BRIGADA ESKWELA 2026
πŸ“ Lodlod Elementary School

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbigay ng suporta sa matagumpay na Brigada Eskwela 2026! πŸ’™πŸ’›

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating
Closing Program cm State of the School Address
πŸ—“ Hunyo 5, 2026
⏰ Assembly: 12:30 PM

Sama-sama nating balikan ang mga naging tagumpay at pakinggan ang kalagayan at direksyon ng ating paaralan.

✨ Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!
🀝 Sama-sama para sa Batang Makabansa, Batang Makakalikasan!

18/05/2026

πŸ“’ BRIGADA ESKWELA 2026
πŸ—“οΈ June 1–5, 2026
πŸ“ Lodlod Elementary School

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, volunteers, alumni, at iba pang stakeholders ng komunidad na makiisa at makibahagi sa sama-samang bayanihan para sa isang MALINIS, LIGTAS, at HANDANG kapaligiran ng Lodlod Elementary School bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.

Sa temang β€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” sama-sama nating ipakita ang diwa ng pagtutulungan para sa mas maayos at mas magandang paaralan para sa ating mga mag-aaral.


06/05/2026

Welcome School Year 2026-2027

Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Lodlod
Lipa City
4217