13/07/2026
Nakikiisa ang Lodlod Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026.
Layunin ng pagdiriwang na palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon gayundin ang papel ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023–2028 sa pagsugpo sa malnutrisyon at pagtataguyod ng mas malusog na pamayanan.
Hinihikayat ang mga mag-aaral, magulang, g**o, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa mga gawaing magpapaigting ng wastong pagkain, pangangalaga sa kalikasan, at aktibong pamumuhay.
Sama-sama tayo para sa nutrisyong sapat para sa lahat!