13/11/2025
𝓐𝓵𝓪𝓶 𝓶𝓸 𝓫𝓪?
Today in History
𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟑 𝐢𝐬 𝐒𝐩𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫 𝐄𝐮𝐠𝐞𝐧𝐢𝐨 𝐏. 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐃𝐚𝐲
Si Eugenio Padlan Perez ang kauna-unahang House Speaker ng pinaka-unang Congress ng Philippine Third Republic.
Pinanganak sa Obong, isang sitio na originally matatagpuan sa San Carlos pero ngayon ay barangay na ito ng Basista, si Speaker Perez ay nagsilbing Representative ng second district of Pangasinan from 1946 to 1957 (noon ang Pangasinan ay mayroon limang (5) congressional districts, kung saan ang bayan noon ng San Carlos ay kabilang sa ikalawang distrito).
Nagsilbi rin siyang Representative ng Second District ng Pangasinan sa National Assembly, panahon ng Commonwealth na ang Pangulo noon ay si Manuel L. Quezon.
Si Perez ang may akda ng Republic Act No. 170 na naging tulay para maging lungsod ang Dagupan noong 1947.
Sa bisa naman ng Republic Act No. 6721, ang November 13 ay idineklarang special public non-working holiday sa Pangasinan bilang pggunita sa araw ng kapanganakan ni Perez.