DepEd Daniw ES

DepEd Daniw ES Daniw ES mission is to enable learners to reach the highest level of learning within a safe and positive environment.

Monitoring of the Opening of classes.. Taos-pusong pasasalamat kina Mam Teofila Tabulina at Mam Judith Clemente sa kanil...
11/06/2026

Monitoring of the Opening of classes..
Taos-pusong pasasalamat kina Mam Teofila Tabulina at Mam Judith Clemente sa kanilang pagbisita at pagsasagawa ng monitoring. Ang kanilang gabay, mga obserbasyon, at mga rekomendasyon ay malaking tulong upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng kalidad na edukasyon at masig**o ang kapakanan ng bawat mag-aaral.
Patuloy nating pagtutulungan ang paglikha ng isang ligtas, masaya, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat.

Parents' Orientation 2026Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Parents' Orientation kung saan tinalakay ang mahahalag...
11/06/2026

Parents' Orientation 2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Parents' Orientation kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa pag-aaral at kaligtasan ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga natalakay ang pagpapatupad ng Tri-Semester Program, ang Anti-Bullying Policy upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan, at ang mga programa ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) para sa kahandaan sa anumang sakuna o emerhensiya.
Maraming salamat sa lahat ng mga magulang na dumalo at aktibong nakibahagi sa talakayan. Ang inyong pakikiisa at suporta ay malaking tulong upang matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pag-aaral ng ating mga mag-aaral.

Sa pagtutulungan ng paaralan at tahanan, mas matitiyak natin ang magandang kinabukasan ng bawat bata.

Maraming salamat sa ating mga Brigada Heroes sa walang sawang suporta at pakikiisa sa Brigada Eskwela.Dahil sa inyo, nag...
04/06/2026

Maraming salamat sa ating mga Brigada Heroes sa walang sawang suporta at pakikiisa sa Brigada Eskwela.

Dahil sa inyo, naging mas maayos, malinis, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat! 🙏

Day 2 Brigada Eskwela Ang ikalawang araw ng aming Brigada Eskwela 2026 ay tunay na naging puno ng biyaya at pagkakaisa. ...
02/06/2026

Day 2 Brigada Eskwela
Ang ikalawang araw ng aming Brigada Eskwela 2026 ay tunay na naging puno ng biyaya at pagkakaisa. Lubos ang aming pasasalamat sa mga stakeholders, partner, at mga taong may mabubuting puso na nagbahagi ng kanilang oras, suporta, at mga biyaya para sa mga mag-aaral at g**o ng Daniw Elementary School.

Ang inyong kabutihang-loob ay hindi lamang nakatulong sa paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng klase, kundi nagbigay rin ng inspirasyon at pag-asa sa buong komunidad ng paaralan. Ang bawat donasyon at tulong na inyong ibinahagi ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong magagawa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa adhikain ng edukasyon. Nawa’y patuloy nating maitaguyod ang diwa ng bayanihan para sa mas ligtas, mas maayos, at mas handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Sa pagtatapos ng ating ARAL Summer Program 2026, buong puso naming binabati ang lahat ng ating mga ARAL tutees sa kanila...
02/06/2026

Sa pagtatapos ng ating ARAL Summer Program 2026, buong puso naming binabati ang lahat ng ating mga ARAL tutees sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pagkatuto. Ang bawat araw na inyong inilaan sa pagbabasa at pagkatuto ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Hindi man naging madali ang lahat ng gawain, ipinakita ninyo ang inyong determinasyon na matuto at pagbutihin ang inyong kakayahan sa pagbasa at pag-unawa. Kayo ang tunay na inspirasyon ng programang ito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang at tagapag-alaga na naging katuwang namin sa paggabay at pagsuporta sa ating mga mag-aaral. Ang inyong pagmamahal, pagtitiyaga, at pakikiisa ang naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Maraming salamat din sa lahat ng ARAL tutors Mam Jeanly Mae Posa Nacisvalencia Mam Laarni Comendador Historillo Mam Cristalyn Torres Cancino Head Teacher I sa mga nagbigay ng pagkain Mam Josefina Violanta Cagayat Sir Mark Bruce Adonis Cometa Mam Solaica Lourdes Ville Cometa Mam Analyn Ann Tabornal Condino Panopio Sir Edilberto Coroza Mam Mau Coroza Reveche , sa aming PSDS Dr. Teofila Tabulina at mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng programa.

Congratulations, ARAL Summer Completers! 🎉📚
Nawa’y patuloy ninyong mahalin ang pagbabasa at gamitin ang inyong mga natutunan sa inyong paglalakbay bilang mga mag-aaral.

"Bawat batang natutong bumasa ay isang pangarap na mas lalong lumalakas at lumalawak."


📖❤️

Day 1Narito ang ilan sa mga kuhang larawan na nagpapakita ng sama-samang pagkilos at bayanihan ng ating mga g**o, magula...
01/06/2026

Day 1
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan na nagpapakita ng sama-samang pagkilos at bayanihan ng ating mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga boluntaryo sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026.

Makikita sa mga larawang ito ang dedikasyon at malasakit ng bawat isa sa paghahanda ng ating paaralan upang maging ligtas, malinis, at handa sa pagbubukas ng klase.

Maraming salamat sa inyong oras, pagod, at walang sawang suporta. Ang inyong pakikiisa ay malaking bahagi sa tagumpay ng ating Brigada Eskwela.

01/06/2026

DAY 1 RECAP | BRIGADA ESKWELA 2026

Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa Daniw Elementary School! Sa tulong ng mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga boluntaryo, nagsimula ang paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Maraming salamat sa inyong oras, sipag, at malasakit na ipinakita upang maging ligtas, malinis, at maayos ang kapaligiran ng ating mga mag-aaral. Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay tunay na responsibilidad ng buong komunidad. Sama-sama para sa mas maayos at mas handang paaralan!

BRIGADA ESKWELA 2026Ang Daniw Elementary School ay magsasagawa ng Brigada Eskwela sa darating na  June 1-5, 2026 na may ...
29/05/2026

BRIGADA ESKWELA 2026
Ang Daniw Elementary School ay magsasagawa ng Brigada Eskwela sa darating na June 1-5, 2026 na may
Temang : "Bayanihan sa Paaralan : Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalaman"
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang, mag-aaral, stakeholders, at volunteers na makiisa at maki-brigada para pagandahin at ihanda ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

âś…Kick-off ceremony:June 1, 2026 Lunes | 7:00 AM

Maraming salamat po!

1st Faculty Meeting with our new School Head Mam Cristalyn Torres Cancino âś…Meet and Greetâś…Planning for OBE and Brigada E...
21/05/2026

1st Faculty Meeting with our new School Head Mam Cristalyn Torres Cancino
âś…Meet and Greet
âś…Planning for OBE and Brigada Eskwela
âś…Distribution MOOE supplies
âś… Division seminar

Ready na sa pasukan♥️
21/05/2026

Ready na sa pasukan♥️

Address

Liliw
4004

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639955927241

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Daniw ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Daniw ES:

Shortcuts

Share

Category