23/08/2026
Isang panibagong anyo ng kagandahang Filipino ang muling ating masisilayan! ๐ต๐ญโจ
Matapos nating makilala ang mga opisyal na kalahok para sa Lakan at Lakambini 2026, muli nating tunghayan ang kanilang pagpapakita ng dangal, kumpiyansa, at pagmamalaki sa kulturang Pilipino.
Sa kanilang mga kasuotang Barong at Modernong Filipiniana, muling binibigyang-buhay ng ating mga kalahok ang kagandahan ng ating kulturaโisang pagsasanib ng tradisyon at makabagong panahon.
Ang bawat larawan ay bahagi ng opisyal na pagpapakilala sa ating mga kandidato para sa Lakan at Lakambini 2026. Ang inyong suporta at pakikilahok ay magiging mahalagang bahagi rin ng pagkilala sa mga kandidatong mamumukod-tangi, kabilang na ang mga parangal gaya ng Paborito ng Madla.
Sino ang iyong pambato? ๐โจ
Samahan natin silang ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 at ipakita ang ating pagmamalaki sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at sa kabataang patuloy na nagbibigay-buhay sa mga ito.