12/09/2026
🌿 ISANG BAGONG YUGTO NG PAMUMUNO AT PAGLILINGKOD!🌿
Setyembre 12, 2026 | Libato Elementary School, San Juan, Batangas
Isang pinagpalang araw para sa Libato Elementary School! ❤️💚
Sa isang magandang araw na ipinagkaloob ng Diyos, matagumpay na naisagawa ngayong Setyembre 12, 2026 ang Induction and Oath-Taking Ceremony 2026 para sa ating mga bagong halal at nanumpang opisyal ng SPTA, HPTA, SELG, YES-O, WINS at mga batang opisyal.
Sa temang “Gabay-Libato 2026: Sama-samang Pamumuno; Nagkakaisang Paglilingkod,” naging makabuluhang pagtitipon ang araw na ito na sumisimbolo sa panibagong yugto ng pamumuno, pagkakaisa, pananagutan, at tapat na paglilingkod para sa ating mga mag-aaral at sa buong paaralan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating Keynote Speaker, Congresswoman Lianda B. Bolilia, at sa ating mga Inducting Officers—Hon. Sonia D. Samarita, Hon. Florencio M. Dechavez, at Congresswoman Lianda B. Bolilia, sa kanilang mahalagang oras, presensya, at pakikiisa sa seremonyang ito.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga Guest Sponsors at mga katuwang na patuloy na nagpapakita ng malasakit at suporta sa mga programa ng ating paaralan.
Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating Barangay Captain, Hon. Joel E. Ilao, at sa mga Barangay Officials sa kanilang patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at malasakit sa Libato Elementary School at sa ating mga mag-aaral.
Sa lahat ng SPTA Officers, sa pangunguna ng ating Pangulo na si Pres. Jinky B. De Guzman, sa ating mga masisipag na g**o, mga magulang, stakeholders, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito—maraming-maraming salamat po!
Sa ating mga bagong halal at nanumpang opisyal, nawa’y maging gabay ninyo ang inyong sinumpaang tungkulin upang maglingkod nang may katapatan, malasakit, pananagutan, pagkakaisa, at puso. Nawa’y maging instrumento kayo ng positibong pagbabago at patuloy na maging katuwang sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.
Ang araw na ito ay isa na namang mahalagang tala sa kasaysayan ng Libato Elementary School—isang araw na puno ng pasasalamat, pagkakaisa, at sama-samang paglilingkod para sa ating sintang paaralan.
Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat! ❤️💚
Mabuhay ang ating mga bagong lider!
Mabuhay ang mga g**o, magulang, stakeholders, at buong pamilyang Libato!
Mabuhay ang Libato Elementary School! 🇵🇭✨
❤️💚🌿