Legazpi City Science High School

Legazpi City Science High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Legazpi City Science High School, High School, BItano, Legazpi City.

๐…๐ˆ๐‘๐„ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐‹๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸšจNgayong araw, matagumpay na nagsagawa ng Fire Drill ang Bureau of Fire Protection (BFP) โ€“ Legazpi City,...
24/08/2026

๐…๐ˆ๐‘๐„ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐‹๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿšจ

Ngayong araw, matagumpay na nagsagawa ng Fire Drill ang Bureau of Fire Protection (BFP) โ€“ Legazpi City, na nilahukan ng mga mag-aaral at kawani ng Legazpi City Science High School (LEGASCI) at Bitano Elementary School.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan at kamalayan ng lahat sa mga wastong pamamaraan na dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral at kawani na maisagawa ang ligtas na paglikas, wastong pagtugon sa emerhensiya, at maayos na koordinasyonโ€”mahahalagang kasanayan na maaaring makapagsalba ng buhay.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa BFP Legazpi City sa kanilang mahalagang paggabay at suporta, gayundin sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng LEGASCI at Bitano Elementary School sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikiisa.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang komunidad ng paaralan na handa, mapagmatyag, at may malasakit sa kaligtasan. ๐Ÿงฏ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿš’๐Ÿซ

Ang kaligtasan ay pananagutan ng bawat isa! โค๏ธ

22/08/2026

WELLNESS IN MOTION: GALAW, SAYA, AT SAMAHAN!

Naging mas masigla at masaya ang LEGASCI sa matagumpay na pagdiriwang ng WELLNESS WEDNESDAY: โ€œWELLNESS IN MOTIONโ€ Sports Fest 2026 for School Personnel noong ika 19 ng Agosto! ๐ŸŽ‰

Hindi lamang ito tungkol sa paligsahan at pagkapanaloโ€”ito ay tungkol sa pagkakaisa, pagkakaibigan, aktibong pamumuhay, at pagbibigay-halaga sa kalusugan at well-being ng ating mga g**o at kawani.

Sa bawat laro, tawanan, hiyawan, at masiglang galaw, muling napatunayan na mas masarap maglingkod kapag tayo ay malusog, masaya, at sama-sama. ๐Ÿ’ช

Isang malaking SALAMAT sa lahat ng teaching at non-teaching personnel na nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, lakas, at positibong enerhiya upang maging makabuluhan at hindi malilimutang karanasan ang ating Wellness Wednesday! ๐Ÿซถ

Dahil sa LEGASCI, hindi lang tayo nagtuturo at naglilingkodโ€”sabay-sabay din tayong gumagalaw, nagkakaisa, at nagiging mas malusog!

Winning together. Growing together. ONE LEGASCI! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

PAGPAPATIBAY NG ATING PANININDIGAN PARA SA KAPAKANAN NG MGA MAG-AARAL!Matagumpay na nakilahok ang Legazpi City Science H...
22/08/2026

PAGPAPATIBAY NG ATING PANININDIGAN PARA SA KAPAKANAN NG MGA MAG-AARAL!

Matagumpay na nakilahok ang Legazpi City Science High School (LEGASCI) sa Orientation on the Utilization of the ๐Ÿ’๐—— ๐—•๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐˜ƒ๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ na ginanap noong Agosto 13, 2026 sa LEGASCI Covered Court, kasama ang teaching staff ng Bagumbayan East Washington National High School (BEWNHS).

Layunin ng oryentasyon na palalimin ang kaalaman ng mga g**o tungkol sa 4D Behavior Screening Checklistโ€”isang mahalagang kasangkapan para sa maagang pagtukoy sa mga Disengagement (pagkawala ng interes), Disconnection (pagkawala ng ugnayan), Disruption (pagkagambala sa pag-uugali), at Deterioration (paglala o paghina) sa pag-uugali at kalagayan ng mga mag-aaral. Nilalayon din ng sesyon na mapalakas ang kakayahan ng mga g**o sa behavioral screening, wastong referral, psychological first aid, at paggabay at pagsuporta sa mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga RGCs, Sir Kurt at Mam Cath, sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, kadalubhasaan, at mahahalagang pananaw na makatutulong sa ating mga g**o upang mas maagang matukoy at matulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng angkop at napapanahong interbensyon at suporta.

Sa aktibong pakikilahok ng lahat ng teaching staff ng LEGASCI at BEWNHS, muling naipakita ang ating sama-samang paninindigan na lumikha ng isang ligtas, maalaga, at tumutugon na kapaligiran sa pagkatuto, kung saan ang bawat mag-aaral ay napapansin, nauunawaan, at nabibigyan ng suportang kanilang kailangan. ๐Ÿ’™

Sama-sama tayong nagmamasid.
Sama-sama tayong umuunawa.
Sama-sama tayong kumikilos.
Sama-sama tayong nagmamalasakit. ๐Ÿ’™

๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜INTENSIFICATION OF SCHOOL SAFETY & SECURITY PROTOCOLS The Bitano Elementary School and Legazpi City...
20/08/2026

๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

INTENSIFICATION OF SCHOOL SAFETY & SECURITY PROTOCOLS

The Bitano Elementary School and Legazpi City Science High School are strengthening their school safety and security measures effective immediately until further notice.

These enhanced protocols are implemented to ensure the safety and security of all learners, personnel, parents, guardians, and visitors.

๐Ÿ”น Vehicle Entry Restriction โ€“ Only authorized vehicles driven by faculty, school staff, and authorized DepEd personnel will be allowed entry into the school campus. Previously issued car passes are temporarily suspended.

๐Ÿ”น Designated Drop-Off and Pick-Up Area โ€“ The school gate shall serve as the designated drop-off and pick-up point for all learners.

๐Ÿ”น Security Inspection โ€“ All students entering the campus are required to pass through the designated security checkpoint and undergo security inspection.

๐Ÿ”น Visitor Management โ€“ All visitors shall undergo security screening and register with security personnel before being granted access to the campus.

We sincerely ask for everyone's cooperation, patience, and understanding as we work together to maintain a safe, secure, and conducive learning environment for our school communities.

๐Ÿ’™ SAFE SCHOOL. SECURE FUTURE.
Everyoneโ€™s Responsibility. Everyoneโ€™s Safety.

10/08/2026

๐ŸŒ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ LEGASCI, KAISA SA ASEAN 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒ

Ngayong araw, buong-pusong nakikiisa ang Legazpi City Science High School (LEGASCI) sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN! ๐Ÿค๐ŸŒ

Sa temang โ€œPhilippinesโ€™ ASEAN Chairmanship 2026: Navigating Our Future, Together,โ€ sama-sama nating ipinagdiriwang ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagtutulungan ng mga bansang ASEAN tungo sa isang mas matatag at maunlad na kinabukasan.

Pagbati at pasasalamat sa ating mga mag-aaral, g**o, at non-teaching personnel na nakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito! ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sama-sama nating tahakin ang kinabukasan! ๐ŸŒโœจ

๐๐€๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐๐† ๐‹๐„๐†๐€๐’๐‚๐ˆAgosto 6, 2026Para sa: Lahat ng Mag-aaral, Magulang, Tagapag-alaga, at mga G**oIpinababatid po sa laha...
06/08/2026

๐๐€๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐๐† ๐‹๐„๐†๐€๐’๐‚๐ˆ
Agosto 6, 2026

Para sa: Lahat ng Mag-aaral, Magulang, Tagapag-alaga, at mga G**o

Ipinababatid po sa lahat na ang Administrative Office ng paaralan ay pansamantalang isasara bukas, Biyernes, Agosto 7, 2026, simula ala-1:00 ng hapon.

Ang kalahating araw na pagsasara ng tanggapan ay magbibigay-daan sa ating mga non-teaching personnel at administrative staff na makilahok sa mga pambungad na gawain ng Ibalong Festival, partikular sa Thanksgiving Mass at Street Dance Parade.

Para sa inyong kaalaman at gabay, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:
Ang lahat ng transaksiyong administratibo, kabilang ang mga kahilingan para sa dokumento at iba pang katanungan sa tanggapan, ay pansamantalang sususpindihin simula alas-1:00 ng hapon bukas.
Ang normal na operasyon ng tanggapan ay muling ipagpapatuloy sa Lunes, Agosto 10, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa habang sinusuportahan natin ang ating mga kawani sa pagdiriwang ng ating mayamang lokal na kultura at pamana.

Maligayang Ibalong Festival! ๐ŸŽ‰

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng lapel microphone na malaking tulong ...
06/08/2026

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng lapel microphone na malaking tulong sa aming pagtuturo.

Mula sa buong pamilya ng Legazpi City Science High School, maraming salamat, DepEd, sa inyong patuloy na suporta at sa pagtulong na mapalakas hindi lamang ang aming mga tinig, kundi pati na rin ang aming sama-samang adhikain para sa de-kalidad na edukasyon. โค๏ธ

๐‹๐„๐†๐€-๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’ ๐Ÿ.๐ŸŽ: NAGKAKAISA PARA SA MALINIS AT LIGTAS NA PAARALAN! ๐ŸซNoong Hulyo 31, 2026, nagsama-sama ang buong komunida...
03/08/2026

๐‹๐„๐†๐€-๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’ ๐Ÿ.๐ŸŽ: NAGKAKAISA PARA SA MALINIS AT LIGTAS NA PAARALAN! ๐Ÿซ

Noong Hulyo 31, 2026, nagsama-sama ang buong komunidad ng LEGASCI para sa ๐‹๐„๐†๐€-๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’ ๐Ÿ.๐ŸŽ, bilang pagpapakita ng sama-samang pangako na mapanatili ang malinis, malusog, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagtutulungan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, isinagawa ang paglilinis sa ibaโ€™t ibang bahagi ng paaralan upang maalis ang mga kalat at mga posibleng pamugaran ng lamok at iba pang peste na maaaring magdulot ng sakit.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at kawani, isinagawa ng ating mga katuwang na stakeholders galing sa City Health Office ang ๐™๐™Š๐™‚๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ sa paligid ng paaralan bilang hakbang upang makatulong sa pag-iwas sa dengue. ๐ŸฆŸ

Ang gawaing ito ay paalala na ang malinis na paaralan ay hindi lamang magandang tingnan, ito rin ay mas ligtas at mas malusog na lugar para matuto, magtrabaho, at umunlad.

Malinis na kapaligiran. Malusog na komunidad. Dengue-free LEGASCI!

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐“๐‘๐ˆ๐๐” ๐‹๐„๐†๐€๐’๐‚๐ˆ! Sa pamamagitan ng Seremonya ng Pagtataas ng Watawat, pormal na nakiisa ang...
03/08/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐“๐‘๐ˆ๐๐” ๐‹๐„๐†๐€๐’๐‚๐ˆ!

Sa pamamagitan ng Seremonya ng Pagtataas ng Watawat, pormal na nakiisa ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Legazpi sa simbolikong pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Ngayong taon, tampok ang temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ binibigyang-diin ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa pagpalalawak ng kaalaman, pagpapaunlad ng pananaliksik, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa makabagong panahon.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito bilang pagkilala sa ating pambansang wika, pagpapahalaga sa ating mayamang kultura, at pagpapatibay ng pagkakaisa bilang isang sambayanan.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Tribu Legasci! โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

03/08/2026

A WEEK TO REMEMBER: LEGASCI WELCOMES FULBRIGHT TEACHER-SCHOLARS! ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ธ๐Ÿค๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

A week has passed since Legazpi City Science High School had the privilege of hosting Fulbright Teacher-Scholars from the United States of Americaโ€”but the memories, meaningful conversations, shared experiences, and friendships continue to live on. ๐Ÿ’™โค๏ธ

For one inspiring week, LEGASCI became a vibrant space for cultural exchange, professional learning, collaboration, and meaningful connections. Our teachers and learners had the wonderful opportunity to interact with distinguished teacher-scholars, exchange ideas and perspectives, and gain insights that went beyond the walls of the classroom.

From engaging conversations and learning sessions to cultural experiences and simple moments of camaraderie, every day brought something memorable.

More than just a visit, the experience reminded us that education has no borders. When educators from different cultures come together, knowledge is shared, perspectives broaden, and connections that can last a lifetime are created.

As we look back on that remarkable week, we are filled with gratitude, pride, and appreciation for the Fulbright Teacher-Scholars who shared their time, expertise, stories, and passion for education with the LEGASCI community.

The week may be over, but the learning continues, the friendship remains, and the memories live on.

Thank you for making your LEGASCI experience truly unforgettable! We hope our paths cross again. Until then, Mabuhay and see you again! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ๐Ÿ‡บ๐Ÿ‡ธ

Address

BItano
Legazpi City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Legazpi City Science High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category