06/10/2026
Isinagawa ngayong araw, Oktubre 6 ang makabuluhang District Gulayan sa Paaralan Validation ang isinagawa sa paaralan, na pinangunahan nina Dr. Minerva P. Rillo, PSDS, at Dr. Angelito M. Licup, EPP Coordinator.
Sa likod ng makulay, maayos, at masaganang Gulayan sa Paaralan ay ang sipag, tiyaga, at pagkakaisa ng ating GPP Coordinator, Bb. Teresa T. Paguio, mga g**o, SPTA Officers sa pamumuno ni Gng. Milagros Atienza at mga magulang na buong pusong tumulong sa paghahanda ng bawat bahagi ng ating gulayan.
Higit pa sa mga tanim at gulay, ang ating Gulayan sa Paaralan ay bunga ng bayanihan, malasakit, at pagmamahal sa paaralan at sa ating mga mag-aaral.
Kapag sama-sama, mas maraming kayang palaguin, hindi lamang mga halaman, kundi pati ang pag-asa at magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.