19/12/2023
GUSTO KO NGA BA TALAGA O MAS GUSTO KONG GUMAWA NG EXCUSE?
(mahaba tong kwento ko, kasing haba ng excuses na inipon ko all my life char 🤣)
Few months ago, I had a strong nudge to try pottery, but trying out something new had always been scary for me. Gusto ko pero di ko ginagawan ng paraan, instead may nakaready akong excuse.
Sabi ko sa sarili ko, “next time na lang, wala pang budget, saka dagdag gastos lang yan ngayon.”
All of a sudden, biglang lumabas sa newsfeed ko yung ads ng free pottery class kapag naka 500 pesos sa isang mall.
Pagkabasa ko nun, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, at parang pinipilipit yung tyan ko. If you have been with me on my personal and spiritual journey, alam na haha lagi akong may physical symptoms kapag may nireresist ako.
So sabi ko okay to, di ganun ka mahal, unfamiliar yung place pero within Las Pinas lang naman. Pero may problema.
Yung schedule nya is 3pm, may Christmas party kami ng friends ko ng 6pm.
Naisip ko yayain ko na lang sila, pero di naman sila pwede sa oras na yun. Nabanggit din ng friend ko mahirap ng magbook ng grab kasi holiday season tska sobrang traffic daw sa Las Pinas.
Well, sabi ko, more reason not to go. Yes, may excuse na naman ako!
Pero di ako mapakali, kaya sabi ko try ko iask kung hanggang anong oras yung event. Aba, ang sinabi sakin, limited slots lang daw kasi 30 pax lang kayang Iaccommodate.
Edi napressure naman ako 😆
And that’s when I realized, “ah gusto ko pala talaga to, why am I limiting myself?” Then, naalala ko yung sinabi ni Coach Aj, I SHOULD FREE MYSELF FROM MY OWN PERSON.
Kaya nasabi ko na lang sa sarili ko, may ganto kong dilemma kasi this is something important for me, and may gigil ba haha kaya alam ko pagsisishan ko to kapag na miss out ko.
At nung naging decided ako to go, nawala yung sakit ng tyan ko at biglang gumaang yung pakiramdam ko.
Sabi nga ni NFG, EXPAND YOUR COMFORT ZONE REGULARLY.
Sabi ko pa naman sa sarili ko, next year ko na yan sisimulan. The analyst in me says pplanuhin ko muna yung mga gusto ko gawin every month. 😂
Pero bakit ko pa papatagalin kung andito na yung pagkakataon?
So ito na nga ang aking adventure haha
I call it adventure kasi dami kong nabreakthrough dito.
- I went there ALONE. Introvert ako and I prefer to have friends with na magiging spokesperson (thanks friends! 😆)
- Maayos yung naging comfortable yung pag commute. Atttt walang traffic! Kung gugustuhin kaya ko naman pala, makakarating ako kahit anong mode of transportation pa yan haha
- Sobrang aga kong dumating, 11am pa lang andun na ko (competitive sa slot 😅) Sa totoo lang umiinit ulo ko kapag matagal nag aantay but surprisingly I was very chill kahit na nabagot ako ng slight kasi wala masyadong maikutan, buti na lang dala ko yung Switch.
- Vague yung paalam ko kay mami, sabi ko lang mag aadventure ako haha pero pagdating ko sa grocery, umamin dn ako sakanya para matanong sya kung anong gusto nyang ipabili kasi wala akong mapili. But I’m glad I told her kasi inoffer nya to meet me before ako pumunta sa party para wala akong mabigat na dala. (thanks mom! 💜)
- At 2pm, nakareceive ako ng chat from the mall kung sino mag jojoin, sabi ko ako, ang reply sakin, mostly daw kasi for kids. Tapos nakit ako yung wheel na nilabas, pang bata. Na anxious ako, sabi ko uwi na lang kaya ako.
Kaso andun na ko eh, konti na lang. Sabi ko, kung pwede adult, go pa rin ako kahit mga bata kasama ko. Kid at heart naman ako HAHA. Tska iiisipin ko na lang, club activity lang to with my students, walang nakakahiya dito.
I’m selling the idea to myself para wag ako magback out.
Then bigla ko na lang naisip, Shocks! This is actually me trying to heal my inner child.
Konting affirm affirm sa sarili habang nag aantay until nagstart na yung registration.
Yung ginather na kami sa table, aba lahat kami adults haha! Mostly mothers ang kasali.
At nung sinimulan ko na, mahirap ng onti sa una, pero gulat ako bakit parang ang natural sakin, at ok naman pala yung texture ng clay..akala ko mandidiri ako haha
then bigla akong nag flow state 😂
I created the pot the way I wanted it to be without any do-overs.
Ilang tao yung nagtanong sakin kung first time ko ba talaga.
Yep and definitely not the last! 🙌
The whole adventure was so liberating for me.
I am free to create the results that I wanted and it’s possible because of Universe’s love and guidance. (thanks Universe! 💜)
Now, every time I see the pot, it reminds me that I am co-creating with the Universe.
You are too.
You are love.
You are supported.
You are worthy.
If you know any pottery class (for adults haha) near Paranaque/Las Pinas please pashare! 😊
Parining din ako ng kwento mo. Ano yung mga bagay na takot kang subukan pero ginawa mo pa rin? 😍