14/06/2026
PAGKAKAISA PARA SA EDUKALIDAD
Naging matagumpay ang Turnover of School Supplies, PTA Meeting, at Division Launching and Distribution of Reading Materials na ginanap noong Hunyo 11, 2026 (Huwebes) sa Mactan National High School Gymnasium.
Pinatunayan ng pagtutulungan ng mga magulang, g**o, at mga katuwang sa edukasyon na ang bawat aklat at kagamitang pang-eskwela ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy nating pinalalakas ang kultura ng pagbasa at kalidad ng edukasyon para sa bawat Mactanian.
12/06/2026
Hunyo 12, 2026 | Araw ng Kalayaan
Ang kalayaan ay regalo ng nakaraan, ngunit nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan nito.
Sa Mactan National High School β SHS, isinasabuhay natin ang tunay na kahulugan ng pagiging malaya at makabayan.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
β Abante Publication
02/06/2026
-1 l Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa Unang Araw ng Brigada Eskwela 2026!
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga boluntaryo, lalo na sa mga organisasyong nakibahagi at naglaan ng kanilang oras at serbisyo para sa ating paaralan.
Sa diwa ng "Bayanihan sa Paaralan: Kaayusan at Kaalaman," patuloy nating ipakita ang pagkakaisa para sa mas maayos at handang paaralan.
π’ Inaanyayahan pa rin ang lahat na makiisa sa Day 2 hanggang June 5 (Biyernes)!
02/06/2026
BRIGADA ESKWELA '26 | MACTAN NATIONAL HIGH SCHOOL π΅ππ’
Tema: "Bayanihan sa Paaralan: Kaayusan at Kaalaman"
Tara na, mga Mactanians! π€β¨
Makiisa sa Brigada Eskwela '26 ngayong Hunyo 1β5 at sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa isang matagumpay at ligtas na pagbubukas ng klase. Sa pamamagitan ng bayanihan, maipapakita natin ang ating pagkakaisa at malasakit para sa mas maayos at mas magandang kapaligiran ng pag-aaral.
ποΈ Hunyo 1β5, 2026
β° 8:00 AM β 12:00 PM
β° 1:00 PM β 4:00 PM
π Mactan National High School - Mactan Senior High School
Ang bawat walis, punas, at oras na inyong ilalaan ay hakbang tungo sa isang paaralang puno ng kaayusan at kaalaman. Sama-sama nating buhayin ang diwa ng bayanihan para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.
π§Ή Maglinis para sa kaayusan.
π Magtulungan para sa kaalaman.
π€Magkaisa para sa mas magandang paaralan.
Mactanians, oras na para kumilos at makiisa!
01/05/2026
| MALIGAYANG ARAW NG MGA MANGGAGAWA! π΅π
πΎπ ππππ ππ πππ, πππππ ππππππππππ ππ πππππππ-πππππ πππ πππππ, ππππππ, ππ ππππππππππ ππ πππππ π»πππππππ. π¬ππ πππππ πππππππ, ππππππ πππ π ππππππ, ππ πππ ππππππππ πππππ ππ πππππ πππππ.
PARA SA MGA G**O β na walang sawang nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng mga kabataan. Kayo ang ilaw ng ating kaisipan. π‘π
PARA SA MGA MANGINGISDA β na sumasabak sa hamon ng karagatan, maaga man o gabi, para lamang makapagbigay ng pagkain sa ating hapag-kainan. Saludo kami sa inyong katatagan. π£π
PARA SA MGA MAGSASAKA β na nagbubungkal ng lupa at nag-aalaga ng pananim upang walang magutom ang bawat pamilya. Kayo ang pundasyon ng ating pagkain. πΎπ
PARA SA MGA NARS AT DOKTOR β na laging handang mag-alaga at magligtas ng buhay, kahit sa oras ng panganib. Salamat sa inyong malasakit. π₯π©Ί
PARA SA MGA DRIVER AT KONDUKTOR β na nagdadala sa atin nang ligtas patungo sa ating mga paroroonan. Salamat sa inyong serbisyo. ππ
PARA SA MGA EMPLEYADO, NEGOSYANTE, AT LAHAT NG NAGBUBUKAS NG PALAD β sa bawat pawis at pagod, kayo ang tunay na bayani ng ating lipunan.
Maraming salamat sa inyong ambag. Ang inyong pagsisikap ay siyang nagpapatakbo at nagpapaunlad sa ating bansa.
Mabuhay kayo, mga manggagawang Pilipino! β€οΈπ
20/04/2026
| πππ«π€ππ© π«π€ ππ¦π°π±π―π¦π±π¬ ππ«π¬, ππ¦π°π¦π¨π©ππ π°π ππ«π±πππ©ππ‘π¬
Sasabak ang isang piling mag-aaral mula sa Mactan National High School Senior High School bilang opisyal na kinatawan ng Distrito Uno ng Lapu-Lapu City sa Eskrima Festival King and Queen 2026 na idaraos sa Abril 22, 2026 sa Hoops Dome upang ipakita kung paanong ang kabataang Mactan ay patuloy na bumubuhay at nagpapayabong sa sining ng arnis sa gitna ng makabagong panahon.
Sa patimpalak na pinangungunahan ng Lapu-Lapu Arnis De Abanico, itatanghal ang pagsasanib ng tradisyon at kontemporanyong kahusayan sa Eskrima kung saan inaasahang magsisilbing mukha ng disiplina, husay, at identidad ang kinatawan ng MCNHS SHSβisang patunay sa patuloy na paghubog ng paaralan sa mga kabataang may malasakit sa kultura at dangal ng lungsod.
Hinihikayat ang buong komunidad na magkaisa sa pagsuporta sa kinatawan ng McNHSβSHS, sapagkat ang bawat tinig ng paghanga at bawat pagpapakita ng suporta ay nagsisilbing lakas na magtutulak sa kanya upang maiuwi ang karangalang hindi lamang para sa Distrito Uno kundi para sa buong Lapu-Lapu City.
βοΈ : Drixie B. Pugahan
19/04/2026
| MALIGAYANG KAARAWAN!
Lorie Ann Amistad | Adviser
Sa bawat titik na aming sinusulat,
Gabay ninyo ang aming lakas at sipag.
Ngayon ay araw ng inyong pagdiriwang,
Pasasalamat namin ay taos-pusong alay.
Maβam Lorie Ann Amistad, aming inspirasyon,
Sa - Ang Manugid , kayo ang haligi ng aming misyon.
Sa bawat pahina, aral ninyoβy gabay sa amin,
Maligayang kaarawanβ g**ong walang kapantay!
β Sa likod ng bawat mahusay na mamamahayag ay isang g**ong nagbibigay - liwanagβ Maligayang Kaarawan, Maβam!" π
βοΈ πΌοΈ : Jake CaΓ±ete