DepEd Langkiwa Elementary School-Biñan City

DepEd Langkiwa Elementary School-Biñan City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Langkiwa Elementary School-Biñan City, School, Purok 2 Langkiwa, Langkiwa.

Pupils learn basic skills in life, and they know how to RESPECT other.



Munting ani, malaking aral!Masayang nag-ani ng mga gulay ang ating mga Batang Langkes mula sa Langkiwa Elementary School...
24/07/2026

Munting ani, malaking aral!

Masayang nag-ani ng mga gulay ang ating mga Batang Langkes mula sa Langkiwa Elementary School Garden. Sa pamamagitan ng gawaing ito, natututo sila ng kahalagahan ng pagtatanim, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapahalaga sa masustansyang pagkain.

Sama-sama nating linangin ang kaalaman, kalusugan, at pagmamahal sa kalikasan.




Week 1 | School-Based Feeding Program (SBFP) S.Y. 2026–2027Opisyal nang sinimulan ng Langkiwa Elementary School ang Week...
24/07/2026

Week 1 | School-Based Feeding Program (SBFP) S.Y. 2026–2027

Opisyal nang sinimulan ng Langkiwa Elementary School ang Week 1 Feeding Program para sa mga benepisyaryo nito.

Layunin ng programang ito na makatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pangnutrisyon ng ating mga mag-aaral upang sila ay maging malusog, masigla, at handang matuto.

Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at mga katuwang na patuloy na sumusuporta sa matagumpay na pagpapatupad ng SBFP. Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon para sa bawat Batang Langkes! 💚




Magandang araw mula sa Langkiwa Elementary School!Bawat araw ay bagong pagkakataon upang matuto, magsikap, at mangarap. ...
23/07/2026

Magandang araw mula sa Langkiwa Elementary School!

Bawat araw ay bagong pagkakataon upang matuto, magsikap, at mangarap. Patuloy nating gawing makabuluhan ang bawat araw ng pag-aaral para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga Batang Langkes. 💚📚




Maraming Salamat, Konsi Tantan Bithao Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong ipinagkaloob na mga bigas bilang suporta ...
22/07/2026

Maraming Salamat, Konsi Tantan Bithao

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong ipinagkaloob na mga bigas bilang suporta sa programa ng Langkiwa Elementary School.

Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong sa patuloy nating adhikain na mapangalagaan ang kapaligiran ng paaralan at kalusugan ng ating mga mag-aaral. Nawa'y patuloy kayong pagpalain sa inyong malasakit at serbisyo sa komunidad.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta!




📢 OFFICIAL ADVISORY | LANGKIWA ELEMENTARY SCHOOLIn accordance with DepEd Order No. 006, s. 2026, Langkiwa Elementary Sch...
22/07/2026

📢 OFFICIAL ADVISORY | LANGKIWA ELEMENTARY SCHOOL

In accordance with DepEd Order No. 006, s. 2026, Langkiwa Elementary School reminds all students, parents, and stakeholders that bomb jokes, bomb threats, or any joke about bombs—whether spoken, written, or posted on social media—are strictly prohibited.

These acts are considered Third-Level Offenses, the most serious type of school misconduct. They can cause fear, panic, class disruptions, and waste the time and resources of emergency responders.

⚠️ Anyone who commits these acts may face:
• Investigation by the proper authorities
• Disciplinary action under DepEd Order No. 006, s. 2026
• Other legal consequences, if necessary

We encourage everyone to use kind and responsible words, both in person and online. Let us all work together to keep Langkiwa Elementary School safe, peaceful, and a good place to learn.

Think before you speak or post. A simple joke can have serious consequences.




Parent and Guardian Orientation for the School-Based Feeding Program (SBFP) | S.Y. 2026–2027 | July 22, 2026Matagumpay n...
22/07/2026

Parent and Guardian Orientation for the School-Based Feeding Program (SBFP) | S.Y. 2026–2027 | July 22, 2026

Matagumpay na naisagawa ng Langkiwa Elementary School ang Parent Orientation para sa mga benepisyaryo ng School-Based Feeding Program (SBFP) para sa School Year 2026–2027.

Sa pamamagitan ng orientation na ito, naipaliwanag sa mga magulang at guardian ang layunin, mga alituntunin, at iskedyul ng programa upang matiyak ang maayos na implementasyon nito at ang patuloy na pagsuporta sa kalusugan at wastong nutrisyon ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at guardian na nakiisa at naglaan ng oras. Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng programang ito. 💚

"Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat.




! REMINDER | TERM 1: SECOND TEACHER-MADE SUMMATIVE TEST !Mga magulang, guardians, at mga mag-aaral,Bilang paalala, ang T...
21/07/2026

! REMINDER | TERM 1: SECOND TEACHER-MADE SUMMATIVE TEST !
Mga magulang, guardians, at mga mag-aaral,

Bilang paalala, ang Term 1: Second Teacher-Made Summative Test ay gaganapin sa:
🗓 July 28, 2026 (Tuesday)

Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral na mag-review, matulog nang maaga, at pumasok sa tamang oras upang maging handa sa pagsusulit.

Good luck, mga Batang Langkes! 💚📚




! ANNOUNCEMENT !Magandang araw, mga magulang at guardians!Inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa ORIENTATION ON MASS DE...
21/07/2026

! ANNOUNCEMENT !

Magandang araw, mga magulang at guardians!

Inaanyayahan po namin kayo na dumalo sa ORIENTATION ON MASS DEWORMING ACTIVITY sa:

🗓 August 4, 2026 (Tuesday)
🕝 2:30 PM – 4:00 PM
📍Langkiwa Elementary School

Mahalaga po ang inyong pagdalo upang malaman ang mga impormasyon tungkol sa school-based mass deworming program.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!




! OFFICIAL ANNOUNCEMENT !Inaanyayahan ang mga magulang at guardian ng mga benepisyaryo ng School-Based Feeding Program (...
21/07/2026

! OFFICIAL ANNOUNCEMENT !

Inaanyayahan ang mga magulang at guardian ng mga benepisyaryo ng School-Based Feeding Program (SBFP) na dumalo sa Parent Orientation para sa implementasyon ng SBFP para sa S.Y. 2026–2027.

🗓 July 22, 2026 (Wednesday)
🕖 7:00 AM onwards
📍Langkiwa Elementary School Quadrangle

Mahalaga ang inyong pagdalo upang maipaliwanag ang mga alituntunin, iskedyul, at layunin ng programa para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.




Address

Purok 2 Langkiwa
Langkiwa
4024

Telephone

+63495496192

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Langkiwa Elementary School-Biñan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Langkiwa Elementary School-Biñan City:

Shortcuts

Share

Category