DepEd Doña Concepcion H. Umali Elementary School

DepEd  Doña Concepcion H. Umali Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Doña Concepcion H. Umali Elementary School, School, Sitio Bakahan, Lalig.

2nd Day of INSET 2026 | Learning, Sharing, GrowingAnother meaningful day of learning, sharing, and collaboration as we c...
12/09/2026

2nd Day of INSET 2026 | Learning, Sharing, Growing

Another meaningful day of learning, sharing, and collaboration as we continue our INSET 2026 journey. 💙

Our heartfelt appreciation to Ma’am Maricel C. Presto, OIC, for her dedication and efforts in organizing this meaningful activity.

A sincere thank you to our facilitator for generously sharing their knowledge, expertise, and valuable experiences that continue to enrich and inspire us as educators. 👩‍🏫📚

Our gratitude also goes to our AO, Sir Oyo Castillo, for taking care of the food and helping ensure that everyone was well taken care of throughout the activity.

And to our dedicated TWGs, thank you for your hard work, coordination, and support behind the scenes. Your efforts greatly contributed to the smooth and successful conduct of our INSET.

Thank you to everyone who made Day 2 meaningful and worthwhile!💙

Together, we learn, share, and grow. 🌱✨

11/09/2026
📚 INSET 2026 | DCHUESGrowing together, learning together! Isang makabuluhang araw ng pagkatuto at professional developme...
11/09/2026

📚 INSET 2026 | DCHUES

Growing together, learning together!

Isang makabuluhang araw ng pagkatuto at professional development para sa mga g**o ng Doña Concepcion H. Umali Elementary School bilang bahagi ng School-Based In-Service Training (INSET) 2026.

Sa tema na HOTs-Driven Teaching: Advancing Critical Thinking, Problem Solving, Creativity and Transfer Across the Curriculum,” patuloy nating pinapalawak ang ating kaalaman at kasanayan upang makalikha ng mga learning experiences na hindi lamang nagtuturo ng kaalaman, kundi humuhubog din ng mapanuri, malikhain, at mahusay na problem-solver na mga mag-aaral. 💡🧠

Ang bawat bagong kaalaman ay isang hakbang tungo sa mas makabuluhang pagtuturo at mas magandang learning experiences para sa ating mga learners.

Learn. Reflect. Apply. Transform. ✨








💧 Pasasalamat sa Rotary Club of TiaongTaos-pusong pasasalamat po ng Doña Concepcion H. Umali Elementary School sa Rotary...
09/09/2026

💧 Pasasalamat sa Rotary Club of Tiaong

Taos-pusong pasasalamat po ng Doña Concepcion H. Umali Elementary School sa Rotary Club of Tiaong Hiyas at sa mga sponsors nito, sa pangunguna ni Kathleen Joyce Lunar, President, at sponsor PDG Ray Atienza, sa kanilang mahalagang suporta at pagkakaloob ng karagdagang handwashing station para sa ating paaralan.

Malaking tulong po ito sa pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng ating mga mag-aaral at buong school community. 💙💧

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikipagtulungan! 🙏✨

Happy Birthday, Ma’am Jocelyn! 🎉💐May your special day be filled with joy, love, and countless blessings. ❤️Greetings fro...
09/09/2026

Happy Birthday, Ma’am Jocelyn! 🎉💐
May your special day be filled with joy, love, and countless blessings. ❤️

Greetings from your Doña Concepcion H. Umali Elementary School Family! 🌷✨

Suportahan natin ang ating mga bayaning g**o! 👩‍🏫👨‍🏫Isang malaking saludo sa dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo. 💚Kun...
07/09/2026

Suportahan natin ang ating mga bayaning g**o! 👩‍🏫👨‍🏫
Isang malaking saludo sa dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo. 💚
Kung inspired ka rin sa kanilang kwento, bumoto at ipakita ang ating suporta! 🗳️✨

Meet one of our incredible BAYANING G**O nominees! 🍎💬
📚 Educators like Ma'am Jocelyn Mayo-Geral of Doña Concepcion H. Umali Elementary School of Tiaong, Quezon remind us why teachers truly are
our modern-day heroes. Let’s show them the love and recognition they deserve! 🙌

Inspired by their dedication? 💚 Make sure your vote counts before
OCTOBER 15! 🗓️

🛍️ Shop at Expressions inside Mart One Basics CityMall Tiaong and cast your vote today! 🗳️

Let’s celebrate our community's educators! ✨

ISANG PAGBATI, KIM CHLOE! ✨🎨Buong pagmamalaking binabati ng Doña Concepcion H. Umali Elementary School si Kim Chloe Pasi...
06/09/2026

ISANG PAGBATI, KIM CHLOE! ✨🎨

Buong pagmamalaking binabati ng Doña Concepcion H. Umali Elementary School si Kim Chloe Pasia, Grade 6 – Kamagong, sa kanyang mahusay na paglahok sa Congressional District Festival of Talents – SININGTANGHALAN: Pinta-Bulilit, kung saan buong husay niyang kinatawan ang Tiaong 1 District.

Ginanap noong Setyembre 4, 2026, sa Sariaya, Quezon, kung saan ipinamalas ni Kim Chloe ang kanyang talento, pagkamalikhain, at dedikasyon sa larangan ng sining.

Ang iyong talento, sipag, at dedikasyon ay tunay na karangalan ng ating paaralan at inspirasyon sa kapwa mag-aaral. Ipinakita mo na ang bawat likhang-sining ay hindi lamang larawan, kundi salamin ng talento, imahinasyon, at pangarap ng isang batang Tiaongeño.

Taos-pusong pasasalamat kay Ma’am Lilet C. Jasareno, kanyang adviser, sa patuloy na paggabay at paghubog sa kanyang kakayahan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating School Principal, Ma’am Eslabon, sa kanyang tiwala at suporta; sa ating OIC, Ma’am Maricel C. Presto, sa patuloy na suporta; at sa kanyang coach na si Ma’am Rejean C. Marasigan, sa walang-sawang paggabay, paghahanda, at paglinang sa kanyang talento. ❤️

Mabuhay, Kim Chloe! Patuloy mong kulayan ng talento, sipag, at pangarap ang iyong kinabukasan! 🎨🌈✨






Isang Bagong Yugto, Isang Bagong Tahanan para sa Edukasyon!Isang makabuluhang araw para sa Doña Concepcion H. Umali Elem...
03/09/2026

Isang Bagong Yugto, Isang Bagong Tahanan para sa Edukasyon!

Isang makabuluhang araw para sa Doña Concepcion H. Umali Elementary School (DCHUES) ang isinagawang Blessing of the New School Building kahapon—isang biyayang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at komportableng learning environment para sa ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gov. Helen Tan sa mahalagang proyektong ito para sa ating paaralan at mga mag-aaral.

Lubos ding ikinagagalak ng buong DCHUES ang pagdating at pakikiisa ng ating Mayor Vincent “RJ” Mea, kasama ang ating mga Honorable Councilors, mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Lalig, mga g**o at mag-aaral, SPTA Officers, at ng ating OIC-School Head, Ma’am Maricel Presto, sa makabuluhang okasyong ito.

Isang espesyal na pagkilala rin kay Ma’am Marites A. Eslabon, ating School Principal, para sa kanyang naging bahagi sa pagkakaroon ng karagdagang silid-aralan para sa ating mga mag-aaral.

Ang bagong gusaling ito ay hindi lamang isang gusali—ito ay simbolo ng pag-asa, pag-unlad, at sama-samang pangarap para sa mas magandang kinabukasan ng bawat batang DCHUES. 🌱

Mabuhay ang DCHUES! Mabuhay ang Edukasyon sa Quezon!

📸 Photo credits: Provincial Government of Quezon – Official page (selected photos)

ISINAGAWA ANG CLEAN-UP DRIVE PARA SA MAS MALINIS AT LIGTAS NA PAARALANBilang bahagi ng sama-samang pagkilos tungo sa pag...
25/08/2026

ISINAGAWA ANG CLEAN-UP DRIVE PARA SA MAS MALINIS AT LIGTAS NA PAARALAN

Bilang bahagi ng sama-samang pagkilos tungo sa pagpapanatili ng isang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran, isinagawa ngayong umaga ang Clean-Up Drive sa paaralan sa inisyatiba ng mga opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA), sa pangunguna ng Pangulo nito, Gng. Michelle Deras, katuwang ang mga kasapi ng 4Ps at mga magulang.

Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis ang kapaligiran ng paaralan at maiwasan ang pagkalat ng iba't ibang karamdaman, lalo na ang dengue, sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga posibleng pamugaran ng lamok at pagpapanatili ng wastong kalinisan sa loob at paligid ng paaralan.

Ang matagumpay na gawaing ito ay patunay ng kahalagahan ng pagkakaisa at pakikiisa ng paaralan, mga magulang, at komunidad sa pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa kapakanan ng buong pamayanan ng paaralan.

Sa sama-samang pagkilos, tungo sa isang malinis, ligtas, at malusog na kapaligiran para sa lahat.

Address

Sitio Bakahan
Lalig
4325

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Doña Concepcion H. Umali Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category