15/07/2026
📢 BAGUMBAYAN ELEMENTARY SCHOOL GENERAL ASSEMBLY 2026 📢
Matagumpay na isinagawa ng Bagumbayan Elementary School ang General Assembly 2026 ngayong Hulyo 15, 2026, na dinaluhan ng mga magulang, g**o, at mga opisyal ng SPTA. Ang pagtitipong ito ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at mga magulang, maibahagi ang mahahalagang programa at polisiya ng paaralan, at maisulong ang sama-samang pananagutan para sa kapakanan at tagumpay ng bawat mag-aaral.
Pinangunahan ni Mrs. Maureen F. Realeza, ang maayos at organisadong daloy ng programa. Naghatid naman si Mrs. Ellen Jane S. Montales, Master Teacher I, ng isang makabuluhang Pambungad na Pananalita na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pakikiisa ng mga magulang at iba pang stakeholder sa mga adhikain ng paaralan. Isinagawa ni Mrs. Maila Joy D. De Chavez, Teacher II, ang Roll Call upang matukoy at maitala ang partisipasyon ng mga dumalo sa bawait baitang sa pagpupulong. Samantala, pinangunahan ni Mrs. Rochelle C. Cuevas, Teacher III, ang Panunumpa ng mga Opisyal ng SPTA, bilang hudyat ng kanilang opisyal na pagtanggap sa tungkuling mamuno at maglingkod sa samahan para sa kapakanan ng paaralan at mga mag-aaral.
Bilang pangunahing tagapagsalita sa usapin ng kaligtasan at seguridad, nagbigay si Dr. Carolyn R. Palino, Head Teacher I, ng komprehensibong Oryentasyon ukol sa Safety and Security Protocols in Schools, alinsunod sa Division Memorandum No. 264, s. 2026. Tinalakay niya ang mahahalagang alituntunin at responsibilidad ng mga g**o, magulang, at mag-aaral upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa pagkatuto.
🛡️ Mga Mahahalagang Paksang Tinalakay sa Oryentasyon: • Mahigpit na pagpapatupad ng "No ID, No Entry" Policy
• Inspeksiyon ng mga bag, sasakyan, at motorsiklong pumapasok sa paaralan
• Wastong pagpaparehistro ng mga bisita at paggamit ng Visitor's Pass
• Pagmomonitor sa seguridad sa pamamagitan ng mga CCTV Camera
• Koordinasyon ng paaralan sa PNP at Barangay para sa kaligtasan ng mga mag-aaral
• Pagpapatupad ng Lockdown, Evacuation, at Shelter-in-Place Procedures
• Pagkilala at pagpapatupad ng mga awtorisadong fetcher ng mga mag-aaral
• Pagsunod sa Code of Conduct for Learners, pagsusuot ng School ID, at paggamit ng Buddy System
• Mahahalagang tungkulin ng mga g**o at mag-aaral sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa paaralan
Ang programa ay nagtapos sa pamamagitan ng Pangwakas na Pananalita ni Mrs. Julie Ann P. Reyes, SPTA President, na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng dumalo at nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad sa pagtataguyod ng dekalidad at ligtas na edukasyon.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, at stakeholders na nakiisa at naglaan ng oras upang maging bahagi ng mahalagang gawaing ito. Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at aktibong pakikilahok, mas lalo nating napatatag ang ating layunin na makapagbigay ng ligtas, maayos, at makabuluhang edukasyon para sa bawat batang sa Bagumbayan ES.
✨ Sama-sama para sa mas matatag na paaralan, mas malaking pag-unlad, at mas maliwanag na kinabukasan!