18/09/2026
September 18, 2026 | General PTA Meeting & Card Distribution 🌟
Matagumpay na isinagawa ng Pulot Elementary School ang General PTA Meeting at Pamamahagi ng Card para sa Term 1, na nagsilbing mahalagang pagkakataon para sa mas matibay na ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at mga magulang.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin tungkol sa pag-unlad at pagkatuto ng mga mag-aaral, PTA membership, at mga proyekto ng PTA. Kasabay nito, naipamahagi rin ang mga card upang maipabatid sa mga magulang ang akademikong pag-unlad at mga natamong resulta ng kanilang mga anak.
Maraming salamat sa lahat ng magulang at stakeholders sa inyong walang-sawang suporta at pakikiisa! 🤝📖✨