DepEd Florence Elementary School

DepEd Florence Elementary School A public elementary school that promotes quality education for all & ensure lifelong learning.

Empowering the next generation of truth-tellers!📝Young journalists attended One-Day Campus Journalism Training and Works...
22/08/2026

Empowering the next generation of truth-tellers!📝

Young journalists attended One-Day Campus Journalism Training and Workshop at Felix Asis Elementary School.

Sa ikalimang linggo ng pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP) ng Florence Elementary School, patuloy nating...
21/08/2026

Sa ikalimang linggo ng pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP) ng Florence Elementary School, patuloy nating naipadama ang malasakit at suporta sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng masustansya at masarap na mga pagkain:

🥣 Day 1: Pork-Langka Sinigang
🌿 Day 2: Ginisang Munggo with Malunggay
🐟 Day 3: Malunggay Fish Balls with Sweet and Sour Sauce
🍠🍗 Day 4: Ginisang Kamote at Manok

Lubos na pinahahalagahan ang aktibong presensya at mahigpit na pangangasiwa ni Sir C. Morales, Officer-In-Charge/Teacher III,
upang matiyak na ang School-Based Feeding Program ay naipatutupad nang maayos, patas, at may tunay na malasakit para sa lahat ng mga benepisyaryo. Ang kanyang dedikasyon at patuloy na paggabay ay nagsisilbing inspirasyon upang masiguro ang kalidad at integridad ng programa.

Maraming salamat sa lahat ng mga gurong katuwang, mga tagapagluto, at mga stakeholder na walang sawang sumusuporta sa adhikain ng paaralan na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama para sa mas malusog, mas masigla, at mas matagumpay na mga batang Florencians! 💚





📣 WE ARE HIRING: ARAL TUTORS! 📣Alinsunod sa DepEd Order No. 018, s. 2025 o ang “Implementing Guidelines of the Academic ...
18/08/2026

📣 WE ARE HIRING: ARAL TUTORS! 📣

Alinsunod sa DepEd Order No. 018, s. 2025 o ang “Implementing Guidelines of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program,” ang Florence Elementary School ay opisyal na tumatanggap ng mga aplikante para sa posisyong:

✅ ARAL TUTORS

para sa School Year 2026–2027 ARAL Program.

📌 MINIMUM QUALIFICATIONS

✅Professional o may background sa Education, kabilang ang teachers, para-teachers, pre-service teachers, at non-licensed graduates
✅Retired professional teachers
✅Iba pang licensed professionals
✅College graduates
✅At iba pang kwalipikasyong itinakda ng DepEd

💙 Sama-sama nating tulungan ang ating mga mag-aaral na bumangon, matuto, at umunlad!

Mag-apply na at maging bahagi ng isang programang naglalayong matugunan ang learning gaps at mapalakas ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. 📚✨

📍 Para sa karagdagang detalye at aplikasyon, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Punongguro,
Sir Arnel C. Morales,
o kay Ma’am Lorielyn Zaño, Administrative Officer.

Maaari rin kayong magpadala ng mensahe dito sa opisyal na page ng Florence ES.

Isang makabuluhang seremonya ng panunumpa at pagtatalaga sa tungkulin ng mga bagong halal na lider ng SELG, mga Clubs, a...
15/08/2026

Isang makabuluhang seremonya ng panunumpa at pagtatalaga sa tungkulin ng mga bagong halal na lider ng SELG, mga Clubs, at mga Pamunuan ng Silid-Aralan. 💙

Mabuhay ang mga batang lider ng Florence ES! ✨

INDUCTION CEREMONY 2026✨Taos-puso pong nagpapasalamat ang Florence Elementary School sa lahat ng naging bahagi ng matagu...
15/08/2026

INDUCTION CEREMONY 2026✨

Taos-puso pong nagpapasalamat ang Florence Elementary School sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Induction Ceremony 2026. 💙

Lalo na po sa ating mga minamahal na magulang na naging espesyal na bahagi ng gabing ito. Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa ang nagbigay ng higit na saya at kabuluhan sa napakagandang okasyong ito.

Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta sa ating mga mag-aaral at sa buong Florence ES family! 🫶✨



Sa bawat masustansyang pagkain, may hatid na lakas at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan💚Week 4 – Day 3 | Grou...
12/08/2026

Sa bawat masustansyang pagkain, may hatid na lakas at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan💚

Week 4 – Day 3 | Ground Pork Menudo 🍲
Patuloy na nagbibigay ng masarap at masustansyang pagkain ang School-Based Feeding Program para sa kalusugan at pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

🍲💚 Week 4 – Day 1: Sinigang na Manok! 💚🍲Masustansya, masarap, at puno ng gulay para sa ating mga Batang Florencian! 🌿✨  ...
10/08/2026

🍲💚 Week 4 – Day 1: Sinigang na Manok! 💚🍲
Masustansya, masarap, at puno ng gulay para sa ating mga Batang Florencian! 🌿✨

🌟 WEEK 3 - DAY 2: SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM (SBFP) 🌟Florence Elementary School continues its commitment to keeping ou...
04/08/2026

🌟 WEEK 3 - DAY 2: SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM (SBFP) 🌟

Florence Elementary School continues its commitment to keeping our learners healthy, nourished, and ready to learn! 🎒✨

📍 Menu of the Day: Delicious & Healthy Fish Teriyaki 🐟🍲

Before enjoying their warm meal, our pupils practiced key health and daily habits:
✅ Proper Handwashing – Clean hands keep germs away! 🧼💧
✅ Prayer Before Meals – Expressing gratitude for our daily blessings 🙏✨
✅ Post-Meal Toothbrushing – Keeping our smiles bright and healthy! 🪥🦷

Thank you to our dedicated teachers, staff, and feeding coordinators for ensuring a safe, clean, and joyful dining experience for our pupils! 💖

🍽️ Week 3 – Day 1 | School-Based Feeding Program 🍽️Masayang pinagsaluhan ng ating mga mag-aaral sa Florence Elementary S...
03/08/2026

🍽️ Week 3 – Day 1 | School-Based Feeding Program 🍽️

Masayang pinagsaluhan ng ating mga mag-aaral sa Florence Elementary School ang masustansyang Beef Giniling bilang menu para sa Week 3 – Day 1 ng ating School-Based Feeding Program.
Sama-sama para sa mas malusog at mas masiglang mga bata! 💚

Address

Guisican
Labo
4604

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Florence Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share