19/11/2025
✨ Sa wakas, ito na ang sandali na pinangarap natin simula’t sapul—ang maging g**o! ✨
Alam nating hindi madali ang maging isang pre-service teacher. Maaaring may mga luha, pagod, at pagdududa, ngunit mas matimbang ang mga ngiti, tagumpay, at pagmamahal na ating matatagpuan habang hinuhubog natin ang ating mga sarili sa larangan ng pagtuturo.
Sa bawat hakbang natin sa paaralan, dalhin natin sana ang mga aral ng ating mga naging g**o, ang suporta ng ating pamilya, at ang pangako natin sa sarili: na hinding-hindi tayo susuko sa pagtulong sa mga batang nangangarap tulad natin.
Ito na ang simula ng ating pangarap. Sabay-sabay nating harapin at ipanalo ang laban na ito! 🎓 Isang semestre na lang, at makakamit na natin ang ating minimithing diploma—ang susi upang buksan ang pinto ng pagbabago sa edukasyon.
Sa mga kasamang future educators: Manalig tayo sa ating kakayahan. Ang bawat pagsubok ay hulagway ng ating paglago. Para sa mga bata, para sa bayan, kaya natin 'to! 💚🤍
Sail on SPCI! MABUHAY ANG DEPARTAMENTONG FILIPINO ✨🫶