21/07/2026
Taos-pusong pasasalamat po sa ating SPTA President, G. Albert Tagasa, at SPTA Vice President, G. Edgardo Espiritu, sa inyong walang sawang paggawa at pagtulong sa pagpapaunlad ng gulayan sa aming paaralan, La Purisima Integrated School.
Ang inyong oras, pagod, at suporta ay malaking tulong upang mas mapaganda ang ating paaralan at mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang pagtatanim at pangangalaga sa kalikasan.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo para sa ating paaralan. Mabuhay po kayo!