12/05/2026
APAT NA KARAPAT-DAPAT!!
Pagbati sa 4 na bagong Lisensyadong mga G**o sa Filipino!
Bb. KRISTINE A. CARIAZO, LPT
Bb. SHERYL G. GALANG, LPT
G. LOUIE JAY I. GALLEVO, LPT
Bb. RHEA ANNE P. NOBLEZA, LPT
Ang bawat pahina ng inyong paglalakbay ay naging saksi sa inyong determinasyon at pangarap. Mula sa mga aralin, pagsusulit, at hamon ng buhay-estudyante, ngayon ay isa na kayong ganap na Licensed Professional Teachers!
Mula sa himpilan ng KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO (KAMAFIL-KCMI) Isang taos-pusong pagbati sa inyong tagumpay, ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay-liwanag sa pamamagitan ng edukasyon at wika.
MABUHAY ANG GURONG PILIPINO, MABUHAY ANG FILIPINO!
© Rhea Anne Nobleza
28/04/2026
Istruktura ng Organisasyon ng KAMAFIL
Isang malinaw na gabay sa tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi tungo sa maayos, organisado, at epektibong samahan. Sama-sama sa iisang layunin para sa mas matatag na kinabukasan.
10/04/2026
📢 ENROLL NA!
Simulan ang iyong pangarap sa King’s College of Marbel Inc. 🎓
Kunin ang Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at maging inspirasyon sa susunod na henerasyon.
✨ Hubugin ang iyong kaalaman
✨ Paunlarin ang iyong kakayahan
✨ Maging g**o na may pusong Pilipino 🇵🇭
💙 Maging isa sa KAMAFILYA!
📍 Located at Brgy. Morales, City of Koronadal
📌 Tara na at mag-enroll na!
Ang iyong kinabukasan ay nagsisimula dito.
02/04/2026
Maligayang Pagbati, BSED Filipino Batch 2026!
Matagumpay ninyong naabot ang yugto ng pagtatapos—isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan! 💛 Ang bawat aral na inyong pinagdaanan, bawat sakripisyo at pagtitiyaga, ay nagbunga ng tagumpay na ito. Patuloy ninyong ipagmalaki ang inyong pinagmulan at ipagpatuloy ang pagbibigay-inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng wika at kultura.
Mula sa inyong KAMAFILYA, lubos namin kayong binabati!
25/03/2026
Isang panibagong yugto, isang bagong pamunuan!
Malugod naming ipinapakilala ang mga bagong opisyal ng KAMAFIL ng King’s College of Marbel Inc. para sa taong panuruan 2026–2027. Sa kanilang pangunguna, patuloy nating itataguyod ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang daluyan ng kultura, identidad, at pagkakaisa.
Mabuhay ang KAMAFIL! Mabuhay ang Wikang Filipino!"
🌿
18/12/2025
TAGUMPAY!
Isang taos-pusong pagbati sa Pitong (7) Alumni ng BSEd Filipino na matagumpay na nakapasa sa SEPTEMBER 2025 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT)!
Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, at pusong handang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng edukasyon at wikang Filipino. Nawa’y maging inspirasyon kayo sa mga susunod pang g**o at mag-aaral na nangangarap.
Pagbati, mga bagong LPT!
Para sa edukasyon, para sa wika, para sa bayan!
08/12/2025
✨ KCMI Education Week Culmination 2025 ✨
Sa pagtatapos ng isang linggong pagkatuto, pagkamalikhain, at pagtutulungan, puno ng pasasalamat at bagong kaalaman. Malugod namin kayong inaanyayahan sa pagdiriwang ng Education Week 2025 na may temang “Transformed: Empowering Future Educators Through Creativity, Innovation, and Excellence.”
📍 KCMI Multi-Purpose Building
📅 Disyembre 9, 2025
⏰ 10:30 AM – 12:00 PM
Sama-sama nating ipagdiwang ang pag-unlad, pag-asa, at ang patuloy na paghubog sa mga g**ong may layunin at husay! 💙📚🔥
17/11/2025
Maligayang Kaarawan Mahal naming Dekana!🫶 DeanVickie MC
HAPPY BIRTHDAY DOC VICKY
NOVEMBER 17, 2025
THANK YOU FOR LEADING WITH FAITH AND LOVE. MAY GOD BLESS YOU WITH STRENGTH, WISDOM, AND JOY!
"THE LORD BLESS YOU AND KEEP YOU"
NUMBERS 6:24