10/08/2026
"πΎπππππ ππππππππ ππ π¨π°: π²ππππππππππ ππ π·πππππππππππ ππ π»ππππ ππ πππππ ππ π°ππππππππππ.β
Sa ilalim ng napapanahon at makabuluhang temang ito, masayang ipinagdiwang ng Meocan High School ang opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wika 2026!
Sinimulan ang makabuluhang palatuntunan sa pamamagitan ng isang taimtim na Panalangin at sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang. Pormal namang binuksan ni JHANA RITZ JIAH D. GALICIA, Pangulo ng SaMaFil, ang pagdiriwang sa pamamagitan ng kanyang pambungad at inspiradong mensahe na nagpapaalala sa kahalagahan ng ating wika at kultura sa makabagong panahon.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng ating wikaβhindi lamang bilang pamana ng nakaraan, kundi bilang isang matibay na kasangkapan sa pananaliksik at tulay sa pag-abot ng mas malawak na kaalaman sa tulong ng teknolohiya.
Samahan ninyo kami sa pagbuo ng tulay sa pagitan ng ating mayamang tradisyon at ng makabagong teknolohiya! Ipagmalaki ang ating wika at sabay-sabay tayong umunlad tungo sa mas malawak na yaman ng impormasyon.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Meocan High School!