10/07/2025
Isang taos-pusong pagbati sa ating minamahal na Ika-4 na Taon BSED โ Major sa Filipino sa matagumpay na pagtatapos! Sa bawat talakayan sa balarila, pagsusuri ng panitikan, pagsulat ng sanaysay, at pagtindig para sa ating wikaโnaipakita ninyo ang tunay na galing, tapang, at pagmamahal sa Filipino.
Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang pagwawakas ng isang kabanata kundi simula ng inyong paglalakbay bilang tagapagtanggol at tagapaghubog ng wikang Filipino. Dalhin ninyo ang puso ng pagiging g**o saan man kayo dalhin ng tadhana.
Muli, maligayang pagtatapos! Ipagmalaki ninyoโIsang BSED Filipino, Huwarang Edukador ng Bayan!
24/05/2025
Binabati namin kayo, Mga Pumasa sa LET!
Isang malaking pagpupugay sa mga matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Marso 2025 mula sa Northwestern Visayan College of Education, major sa Filipino!
Ipinagmamalaki naming ipahayag ang tagumpay nina:
Erika Ann Q. Quimpo, LPT
Mary Claire T. Peรฑa, LPT
Bunga ito ng inyong sipag, tiyaga, at pagmamahal sa propesyon ng pagtuturo. Nawaโy maging inspirasyon kayo sa susunod na henerasyon ng mga g**o at patuloy na itaguyod ang kahusayan sa edukasyon.
Mabuhay kayo, bagong g**o ng bayan!
06/04/2025
CALL ACCEPTED NA BAโ๏ธ ๐ณโ๏ธ
Ihanda na ang inyong mga vocal chords, poetic souls, at acting skills! ๐ค๐ญ๐ฌ
Sa selebrasyon ng 77th Foundation Day ng Northwestern Visayan Colleges, tinatawag kayo ng Tanglaw ng Wika sa pinaka-epic na โ
โจ TAWAG NG TALENTO โจ
Ito ay isang kasiyahan ng pagsasama-sama ng mga tinig at talento na magbubuklod sa atin tungo sa isang mas matagumpay na hinaharap.
Kaya markahan na ang inyong mga kalendaryo sa darating na Abril 7-10, 2025 at hayaang dalhin kayo ng inyong mga paa sa RSQ Room 103.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang ipakita ang inyong mga talento, magbigay inspirasyon at magpasikat! ๐ซต๐ผ
KITAKITS NVCIANS! ๐๐ผ
19/11/2024
๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐๐
Sa ilalim ng Tanglaw ng Wika, isinagawa namin ang isang makabuluhang tutorial program sa Bakhaw Norte Integrated School. Ang programang ito ay naglalayong magbahagi ng kaalaman sa mga kabataan upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa sa Filipino.Layunin ng programang ito na maging katuwang ng mga bata sa kanilang paglalakbay sa edukasyon, nang sa gayon ay mapaunlad nila ang kanilang kaalaman at husay sa wika, na mahalagang pundasyon para sa kanilang tagumpay sa hinaharap.
20/10/2024
๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐๐
Noong Oktubre 19, sa ilalim ng Tanglaw ng Wika, nagbahagi kami ng kaalaman sa mga kabataan sa Bakhawan, New Buswang, Kalibo, Aklan. Itinuro namin ang pagbabasa, pagsusulat, at pag-unawa, kasabay ng isang pre-test upang sukatin ang kanilang kaalaman sa Filipino. Sa pamamagitan ng pagsusulit na ito, layunin naming gabayan sila sa mas malalim na pag-unawa at husay sa wika.
31/08/2024
๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
Matagumpay nating ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 30, 2024, sa NVC Gymnasium sa temang โFilipino: Wikang Mapagpalaya.โ Ang pagdiriwang na ito, sa pakikipagtulungan ng NVC BSEd Department , NVC BEED Department, NVC BPed&BCaed, ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng wikang Filipino bilang wika ng kalayaan at pagkakaisa.
Nagsimula ang palatuntunan sa pambungad na pananalita ni Gng. Joyce Cipriano at nagpatuloy sa iba't ibang pagtatanghal ng mga mag-aaral tulad ng makulay na balagtasan, makabayang tula,Katutubong sayaw, damdaming awit at sayawit, malikhaing dula,sabayang pagbigkas, at ang nakaka-engganyong pambansang kasuotan ng mga lakan at lakambini mula sa iba't ibang mga clubs at flash mob ng Bcaed at Bped na lahat napahanga at nasupresa.
Bukod pa rito, pinasinayaan ng Samahan ng mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Araling Panlipunan sa NVC ang pagbebenta ng mga pagkaing Filipino na nagbigay lasa at dagdag saya sa pagdiriwang, na nagpapaalala ng mayamang kultura at tradisyon ng ating bansa.
Pinangunahan ni Robinson V. Solina ang g**o ng palatuntunan at sa pagdalo ng panauhing pandangal na si Gng. Jasper Mae M. Blanco at ang makabuluhang mensahe mula kay Dr. Marianne L. Quimpo, Dekana ng edukasiyon sa kolehiyo. Sa pagtatapos ng programa, ang pangwakas na pananalita ni Bb. Jessel Espinosa pangulo ng Tanglaw ng wika ay nagbigay-pugay sa lahat ng nakiisa sa selebrasyon.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot kay Propesora Erlinda Bautista sa kanyang walang sawang suporta at sa NVC The Forum Publication sa pagkuha ng mga kahanga-hangang litrato ng bawat mahalagang sandali ng pagdiriwang na ito.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Patuloy nating yakapin at ipagdiwang ang ating wika bilang simbolo ng ating kasarinlan at kalayaan.
๐ผ๐๐๐ ๐๐: ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ. ๐บ๐๐๐๐๐
๐๐๐
๐๐: NVC The Forum Publication
29/08/2024
Paalala para sa Buwan ng Wika
Ang oras ng pag-log in para sa Buwan ng Wika ay mula 8:00 AM hanggang 9:00 AM. Kinakailangan mag-log out pagkatapos lamang ng pagtatapos ng programa. Kinakailangan ding magsuot ng uniporme.
salamat
26/08/2024
๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐
Ngayong Araw ng mga Bayani, alalahanin natin ang mga Pilipinong nagpunyagi para sa ating kalayaan. Nawaโy patuloy nating ipagmalaki ang kanilang pamana at maglingkod para sa kapakanan ng bayan. Mabuhay ang Pilipinas!
01/08/2024
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐
Ang wikang Filipino ay simbolo ng ating kalayaan at pagkakaisa. Sa temang Filipino: Wikang Mapaglaya, ating palakasin ang ating wika at ipagmalaki ang ating kultura sa bawat salita at pangungusap.
Ang Buwan ng Wika ay isang mahalagang panahon upang ipagdiwang at pahalagahan ang ating sariling wika at kultura. Sa bawat Agosto, tayo ay nagtitipon-tipon upang ipakita ang kahalagahan ng ating wika hindi lamang bilang isang paraan ng komunikasyon, kundi bilang isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang pag-aaral at paggamit ng ating wika ay isang hakbang sa pagpapalaganap ng ating kultura at kasaysayan.
Sa panahong ito, nagiging malinaw ang ating tungkulin na pangalagaan at ipasa ang ating wika sa susunod na henerasyon. Ipinapaabot nito ang mensahe ng pagkakaisa at pagmamalaki sa ating kultura, habang isinasabuhay ang mga tradisyon at nakaraan ng ating bansa. Halinaโt magkaisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, at ipakita ang ating pagmamahal sa ating wika at sa ating bansa!
Crdts: Rhaine Azarcon
26/07/2024
Anunsiyo! Para lang to sa mga Clubs Organisasiyon
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon, magkakaroon ng isang espesyal na Fashion Show sa ika-30 ng Agosto.
Ang Fashion Show na ito ay magtatampok ng mga estudyanteng nakasuot ng iba't ibang tradisyunal na kasuotang Pilipino. Bawat club " by pair", maging ito man ay Filipino, English, Math, o Soksay, ay magkakaroon ng mga kinatawan isang lalaki at isang babae na magpapakita ng kagandahan at kahalagahan ng ating mga tradisyon.
Hinihikayat namin ang bawat club na makilahok at magpadala ng kanilang pinakamahusay na kinatawan upang makibahagi sa pagdiriwang na ito. Nawa'y maging makulay at makahulugan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 para sa lahat ng estudyante at g**o.
Maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal sa ating wika at kultura!
26/07/2024
Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing buwan ng Agosto sa buong bansa. Layunin nitong ipagdiwang at itaguyod ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang pambansang wika at ang mga katutubong wika ng mga pangkat etniko sa Pilipinas. Ipinapatupad ito alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, kung saan itinalaga ang Buwan ng Wika bilang isang espesyal na pagdiriwang upang palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng Filipino at iba pang wika sa pagpapahalaga ng kasaysayan, kultura, at identidad ng bansa.
Inaanyayahan ang Lahat sa Buwan ng Wika 2024!
Sama-sama tayong magdiwang ng ating mayamang kultura at wika sa darating na Agosto 30, 2024!
Lokasyon: CSQ Gymnasium
Oras: 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon
Mga Kalahok: BSED, BCAED, BPED, BEED
Magkakaroon tayo ng mga sumusunod na palabas na tiyak ay magbibigay saya at inspirasyon sa lahat.
Sabayang Pagbigkas
Tula
Awit
Dula
Balagtasan
Katutubong Sayaw
Fashion Show
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makilahok sa mga makulay na aktibidad at magsaya! Tayo'y magkaisa sa pagbuo ng isang makabuluhang selebrasyon ng ating kultura.
Hinihintay namin ang inyong presensya!