๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’‚๐’”

  • Home
  • Philippines
  • Kalayaan
  • ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’‚๐’”

๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’‚๐’” Cogito, ergo sum.

Kung sakaling magkakaroon man ng pagkakataon. Pag-iipunan ko ang pagbisita ng sa gayon ay mayakap, mahagkan, makapitan, ...
09/04/2026

Kung sakaling magkakaroon man ng pagkakataon. Pag-iipunan ko ang pagbisita ng sa gayon ay mayakap, mahagkan, makapitan, at marinig kong muli ang iyong boses. ๐Ÿฅบ

They say: "Kayo naman, nangako na nga. Hindi naman sinabing tutuparin, e."Kaya dapat, sa susunod na eleksyon ay kilatisi...
09/04/2026

They say: "Kayo naman, nangako na nga. Hindi naman sinabing tutuparin, e."

Kaya dapat, sa susunod na eleksyon ay kilatising maigi ang kandidato. Lahat yan sila mangangako, ngunit sa lahat ng ito: sino ba ang may kredibilidad at kakayahan na patunayan ang kanilang sinabi sa kanilang pahayag panahon ng kampanyahan at kung sila ay mailuluklok sa puwesto?

Muli, huwag nang magpauto at magpadala sa matatamis na salita. Maging mapanuri at kritikal sa desisyon na ating gagawin. Nang sa gayon, hindi muli maulit ang minsang pagkakamali at pagbibigay ng tiwala sa mapanlinlang na politiko.

Ang pag-ibig kung minsan ay sadyang kay tamis.Banayad, marahan, at may pagkakataongHindi mo namamalayan ang oras sa bili...
04/04/2026

Ang pag-ibig kung minsan ay sadyang kay tamis.
Banayad, marahan, at may pagkakataong
Hindi mo namamalayan ang oras sa bilis.

Tila ba gusto mong pahintuin
Ang oras upang ito'y hindi matapos;
Nang siyang ligayang nadarama
Ay hindi maubos.

Ngunit, hindi rin natin maitatanggi,
Na ang kasiyahan madalas
Ay sintulin ng panahon kung magbago โ€”
Na ang panandaliang tamis ng ngiti,
Ay mayroong kapalit na pighati.

Sa maliit na dahilan
Ay maaring magbago ang ihip,
Kumpas ng takbo,
At tinig ng hikbi sa gabing
Pinakakalma ang damdamin.

Kaya kung iyong mamarapatin,
Itigil na natin ang paghahanap ng sikreto
Sa pag-ibig.
Dahil kailanman ay hindi ito darating,
Kung walang pagkukusa at pang-unawa
Sa gitna ng pag-ibig.

Ma, Pa, maraming salamat po sa palaging paalala na huwag kalimutang irespeto at igalang palagi ang ibang tao. ๐Ÿซก
28/03/2026

Ma, Pa, maraming salamat po sa palaging paalala na huwag kalimutang irespeto at igalang palagi ang ibang tao. ๐Ÿซก

Gusto ko ulit bumalik sa pagkabata at mamroblema kung paano ko gagastusin ang wanmilyontawsandalars ko huhu.-----Mga pan...
28/03/2026

Gusto ko ulit bumalik sa pagkabata at mamroblema kung paano ko gagastusin ang wanmilyontawsandalars ko huhu.

-----
Mga panahong puwede pang pekein ang pagtulog sa tanghali.

For those who took their board exams. This is all for you. ๐ŸคCongratulations in advance ๐ŸŽŠ
28/03/2026

For those who took their board exams. This is all for you. ๐Ÿค

Congratulations in advance ๐ŸŽŠ

Minumulto ako ng dating sipag at kakayahan ko.Sa ngayon, dito na lang muna ako sa kaya ko. Malayo sa pressure. Malapit s...
27/03/2026

Minumulto ako ng dating sipag at kakayahan ko.

Sa ngayon, dito na lang muna ako sa kaya ko. Malayo sa pressure. Malapit sa pagkilala sa aking pahinga.

-----
Payapa at masaya ang puso. ๐Ÿซ‚

Maraming salamat po Ama sa panibagong araw, buhay, at patuloy na karanasan na maranasan ang pagpapala mo. ๐Ÿ™-----Palagi't...
26/03/2026

Maraming salamat po Ama sa panibagong araw, buhay, at patuloy na karanasan na maranasan ang pagpapala mo. ๐Ÿ™

-----
Palagi't palaging magpapasalamat sa biyaya, Ama. ๐Ÿค

Nakakalungkot lang na kinakailangan pa nating maging masinop dahil mayroong kumukumpas na negosyante sa taas ng presyo n...
26/03/2026

Nakakalungkot lang na kinakailangan pa nating maging masinop dahil mayroong kumukumpas na negosyante sa taas ng presyo ng produkto, abusadong namumuno, at idagdag pa ang mga iresponsableng bumuboto sa mga politiko.

Sa taas ng presyo ng bilihinโ€”hindi nito napapantayan ang pasahod para sa mga manggagawa. Hindi na ito sumasapat sa pangunahing pangangailangan ng tao na dapat niyang masiguro na hindi kakalam ang tiyan sa gutom.

-----
Hanggang kailan ba natin sisikmurain ang ganitong sistema ng pang-aabuso at pang-aalipin?

Sa mga panahon na nakakalito, nakakabahala, at nakaka-pressure ang buhay at kung paano magpapatuloy:Palagi kong tangan a...
26/03/2026

Sa mga panahon na nakakalito, nakakabahala, at nakaka-pressure ang buhay at kung paano magpapatuloy:

Palagi kong tangan ang mga pangako sa sarili na...

------
๐™‹๐™–๐™™๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ.

23/12/2024

Merry Chistmas, sana matapos mo na ang thesis mo ๐Ÿซถ

Address

San Juan
Kalayaan
4015

Telephone

+639952003422

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’‚๐’” posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to ๐‘ฎ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’‚๐’”๐’‚๐’”:

Shortcuts

Share

Category