21/07/2026
𝙵𝙸𝚁𝚀𝙰𝙷 𝙽𝚄𝙷 | 𝐓𝐀𝐌𝐒𝐈𝐋𝐈𝐘𝐀𝐇
🎬 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚
Ang tamsiliyang ito ay iniaalay sa lahat ng mga nanay na tahimik na nagsasakripisyo araw-araw para sa kanilang pamilya.
Maraming salamat sa pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong hindi kailanman matutumbasan.
Minsan, ang mga salitang paulit-ulit nating sinasabi ang nagiging pinakamalaking pagsisisi sa huli.
"𝑴𝒊𝒏𝒔𝒂𝒏, 𝒔𝒂𝒌𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒏𝒂 𝒔𝒊𝒍𝒂."
Habang kasama pa natin ang ating ina, madalas nating isipin na may bukas pa. May susunod pang pagkakataon. May oras pa para makinig, makipag-usap, yumakap, at sabihing, "𝑀𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑖𝑡𝑎, 𝑁𝐴𝑦."
Ngunit hindi natin alam kung hanggang kailan tayo bibigyan ng Allah ng pagkakataong makasama sila.
Kaya habang nandiyan pa ang iyong nanay, pahalagahan mo siya. Maglaan ng oras. Makinig sa kanyang mga kwento. Iparamdam ang iyong pagmamahal. Huwag mong hintaying maging alaala na lamang siya bago mo mapagtanto kung gaano siya kahalaga.
Ang isang ina ay isang dakilang biyaya mula sa Allah. Kaya habang may pagkakataon pa, mahalin natin sila, sapagkat ang oras na lumipas ay hindi na kailanman maibabalik.
"May mga taong humihingi lamang ng kaunting oras. Huwag mong hintaying puntod na lamang nila ang iyong mabisita bago mo maibigay iyon."
Hindi lahat ng "𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠" ay may kasunod na pagkakataon.
𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚 — isang paalala na ang pagmamahal ay hindi dapat ipinagpapabukas.