Samahan ng Tanggol - Wika

Call Contact the school

Samahan ng Tanggol - Wika Ang Bagong Opisyal na Pahina ng Samahan Ng Tanggol-Wika: Kabankalan Catholic College Inc.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜โ€”๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ, ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป. Sa bawat gabing kulang sa tulog, bawa...
13/09/2026

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜โ€”๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ, ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป.

Sa bawat gabing kulang sa tulog, bawat pahinang paulit-ulit na binasa, bawat pagod na tiniis, at bawat sandaling muntik ka nang sumuko ay pinili mo pa ring magpatuloy.

Ang iyong paghahanda ngayon ang magiging sandata mo sa mga hamon ng bukas. Kaya maniwala ka sa iyong sarili. Hindi mo kailangang maging perpekto; kailangan mo lamang ibigay ang iyong makakaya, manatiling matatag, at magtiwala sa lahat ng iyong pinaghirapan.

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—บ๐—ผ โ€™๐˜†๐—ฎ๐—ป!
๐—”๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ.

โ€œ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ, ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผโ€™๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ.โ€ -Gurong Pari (mula ...
31/08/2026

โ€œ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ, ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผโ€™๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ.โ€ -Gurong Pari (mula sa Kab. 8: Mga Alaala)

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at pasalamatan ang mga taong nag-alay ng kanilang buhay, panahon, at lakas para sa bayan.

Itinuturo sa atin ng kanilang halimbawa na ang tunay na karunungan ay hindi lamang nasa isip, kundi nasa pusong marunong magmahal, magsakripisyo, at maglingkod.

Ang pagiging bayani ay hindi lamang tungkol sa malalaking gawa. Minsan, nagsisimula ito sa maliit na kabutihan, tapat na paglilingkod, at malasakit sa kapwa.

Nawaโ€™y maging matalino tayo sa ating mga desisyon, ngunit higit sa lahat, maging mabuti at makatao sa ating puso.

๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถโ€”๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ! ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€!

๐—ง๐—”๐—ข๐—ฆ-๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง, ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฆ! Maraming salamat sa inyong buong pusong pakikibahagi upang maging ma...
28/08/2026

๐—ง๐—”๐—ข๐—ฆ-๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง, ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฆ!

Maraming salamat sa inyong buong pusong pakikibahagi upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang ng ๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฑ๐Ÿ†„๐Ÿ†ƒ๐Ÿ†ˆ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ถ 2026.

Ang inyong talento, husay, at pagmamahal sa sining ay nagbigay-kulay at buhay sa ating programa. Higit sa isang pagtatanghal, naipakita ninyo kung paano nagiging makapangyarihang paraan ng pagpapahayag ang sining at wika.

Salamat sa inyong oras, talento, at dedikasyon. Tunay na naging mahalagang bahagi kayo ng tagumpay ng ating pagdiriwang.

๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฑ๐Ÿ†„๐Ÿ†ƒ๐Ÿ†ˆ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ถ 2026 | ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ ๐Ÿ††๐Ÿ…ธ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ, ๐Ÿ†ƒ๐Ÿ†„๐Ÿ…ป๐Ÿ…ฐ๐Ÿ†ˆ ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ธ๐Ÿ†‚๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ†ƒ ๐Ÿ…ณ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ผ๐Ÿ…ณ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ผ๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ฝMay mga salitang kailangang bigkasin. May mga kaisipang kailangan...
28/08/2026

๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฑ๐Ÿ†„๐Ÿ†ƒ๐Ÿ†ˆ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ถ 2026 | ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ ๐Ÿ††๐Ÿ…ธ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ, ๐Ÿ†ƒ๐Ÿ†„๐Ÿ…ป๐Ÿ…ฐ๐Ÿ†ˆ ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ธ๐Ÿ†‚๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ†ƒ ๐Ÿ…ณ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ผ๐Ÿ…ณ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ผ๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ฝ

May mga salitang kailangang bigkasin. May mga kaisipang kailangang ibahagi. At may mga tinig na kailangang marinig. Ito ang ๐—ฃ๐—”๐—•๐—จ๐—ง๐—ฌ๐—”๐—šโ€”ang pagpapahayag ng ating isip, damdamin, kaalaman, at pananaw upang maging bahagi ng mas malawak na talakayan.

Ngayong ika-28 ng Agosto 2026, sama-sama nating ipinagdiwang ang makabuluhang PABUTYAG 2026 sa St. Columban Arts Center, Kabankalan Catholic College, na dinaluhan ng ating mga kagalang-galang na administrador, kaguruan, mag-aaral ng kolehiyo, mga kawani, at mga panauhin.

Sa temang โ€œ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—œ: ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป,โ€ ipinakita natin na ang wika ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon. Ito ay tulay sa kaalaman, salamin ng ating pagkakakilanlan, at tinig ng isang sambayanang patuloy na natututo at umuunlad.

Sa panahon ng Artificial Intelligence, mas lumalawak ang mundo ng impormasyon. Ngunit sa kabila ng bilis ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang wikang nagbibigay-kahulugan sa ating natututuhan, gumagabay sa ating pag-unawa, at nag-uugnay sa ating pagkatao.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐˜†๐—ฎ๐—ดโ€”๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—บ๐—ธ๐—ถ๐—บ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐˜†๐—ฎ๐—ดโ€”๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐˜†๐—ฎ๐—ดโ€”๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด, ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฒ.
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ.
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ!
๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ!
๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ฎ!
๐—”๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜, ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ!

Dalawang araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang ...
26/08/2026

Dalawang araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!

Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang yaman ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Kitakits, KCCians!



Tatlong araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang y...
25/08/2026

Tatlong araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!

Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang yaman ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Kitakits, KCCians!



Apat na araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang y...
24/08/2026

Apat na araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!

Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang yaman ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Kitakits, KCCians!



๐Ÿ†ƒ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…พ๐Ÿ…ป-๐Ÿ††๐Ÿ…ธ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ ๐Ÿ†‚๐Ÿ…ฐ ๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ป๐Ÿ…พ๐Ÿ†‚!Isang makabuluhang pagkilos ang isinagawa ng mga opisyales ng Tanggol-Wika bilang pakikiisa sa ...
23/08/2026

๐Ÿ†ƒ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ฝ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…พ๐Ÿ…ป-๐Ÿ††๐Ÿ…ธ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ฐ ๐Ÿ†‚๐Ÿ…ฐ ๐Ÿ…ฟ๐Ÿ…ฐ๐Ÿ…ถ๐Ÿ…บ๐Ÿ…ธ๐Ÿ…ป๐Ÿ…พ๐Ÿ†‚!

Isang makabuluhang pagkilos ang isinagawa ng mga opisyales ng Tanggol-Wika bilang pakikiisa sa ๐™‡๐™–๐™ฃ๐™™๐™จ๐™˜๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™€๐˜ผ๐™Ž ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก. Sa nasabing gawain, sama-sama isinagawa ang paglilinis, pag-aayos ng kapaligiran, at pagtatanim ng mga halaman upang higit na mapaganda at mapayabong ang paligid ng paaralan. ๐ŸŒฑ๐ŸŒฟ

Sa kabila ng pagiging payak ng gawaing ito, naging mahalagang pagkakataon ito upang maipakita ng mga miyembro ng Tanggol-Wika ang kanilang pakikiisa, malasakit, at pagtutulungan. Bawat isa ay aktibong nakibahagi sa iba't ibang gawain, mula sa paghahanda ng lugar hanggang sa pagtatanim at pag-aayos ng mga halaman.

Higit pa sa pagpapaganda ng kapaligiran, naging daan ang proyektong ito upang mapagtibay ang ugnayan at pagkakaisa ng mga opisyales bilang isang samahan. Sa bawat gawa at sama-samang pagkilos, naipakita na ang tunay na diwa ng samahan ay hindi lamang nakikita sa mga programang isinasagawa, kundi maging sa mga simpleng gawaing may layuning maglingkod, makiisa, at magbigay ng ambag sa komunidad ng paaralan.

23/08/2026
Limang araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang ya...
23/08/2026

Limang araw na lamang at magsasama-sama tayo sa isang makabuluhang pagdiriwang!

Makiisa, makibahagi, at ipagdiwang ang yaman ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Kitakits, KCCians!



Address

Guanzon Street , Brgy. 1
Kabankalan
6111

Telephone

+639163568561

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Tanggol - Wika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Samahan ng Tanggol - Wika:

Shortcuts

Share