22/09/2026
| TEKA LANG… BAKIT PARANG ANG BILIS NG ORAS?
Napapansin mo bang mas mabilis ang oras kapag masaya ka? Hindi naman talaga bumibilis ang orasan. Nagbabago lang ang paraan ng utak natin sa pagdama ng oras. Kapag sobrang tutok tayo sa isang bagay o masaya sa ginagawa natin, mas kaunti ang atensiyon natin sa paglipas ng minuto. Ayon sa Association for Psychological Science, ang mga masasayang karanasan ay maaaring magpabago sa ating pagtingin sa tagal ng oras.
Kaya pala kapag kasama ang mga kaibigan, nakikinig ng musika, naglalaro, o masayang ginagawa ang gusto mo, parang “teka lang” na lang ang nasasabi. Pero kapag naghihintay sa uwian, bawat minuto mabagal, bawat segundo matagal.
Hindi talaga mabilis ang oras kapag masaya tayo. Masaya lang tayo kaya nakakalimutan nating bilangin ang bawat minuto. Kaya kung minsan pakiramdam mo ang bilis ng araw, baka hindi oras ang nagmamadali. Baka ikaw lang ang sobrang nasisiyahan sa sandaling iyon.
𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘡𝘰𝘦 𝘏𝘦𝘭𝘦𝘯𝘢 𝘋𝘪𝘦𝘯𝘵𝘦
𝘪𝘯𝘪-𝘭𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘯𝘪 𝘋𝘰𝘮𝘪𝘯𝘪𝘲𝘶𝘦 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘦 𝘛𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢