28/05/2026
✨ BAYANIHAN PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN! ✨
Isang nagkakaisang pagbati mula sa Pamunuan ng Gawad Kalinga High School! 🏫💙
Muli na namang kakatok ang diwa ng bayanihan sa ating mga puso. Bukas na po ang pintuan ng ating paaralan para sa taunang "BRIGADA ESKWELA '26" na gaganapin ngayong "June 01 hanggang June 05, 2026"! 🗓️🛠️
Ang "Brigada Eskwela" ay hindi lamang paghahanda ng ating pisikal na kapaligiran, kundi isang pangako na magtutulungan ang bawat magulang, g**o, mag-aaral, at stakeholders upang masig**o ang de-kalidad at ligtas na edukasyon para sa lahat.
🛠️ "ANO ANG ATING MGA GAGAWIN?"
✅️ Grass-cutting / Trimming 🌾
✅️ Classroom Structuring 🪑
✅️ Repainting 🎨
✅️Minor Repairs 🔨
✅️Rehabilitation of Gulayan sa Paaralan 🌱
✅️Oplan Balik-Eskwela 🤝
Maliit man o malaki, ang inyong tulong—mula sa pag-REPAIR, pag-REPAINT, pag-CLEAN, hanggang sa pag-PLANT—ay may malaking kontribusyon para sa kaligtasan at kaayusan ng ating paaralan. 🏫✨
Tumanggap din po kami ng mga donasyon tulad ng cleaning materials, health essentials, at learning supplies upang masig**o ang minimum public health standards at kahandaan ng ating mga silid-aralan.
Sama-sama nating tuparin ang layunin ng temang: “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalamaan.” 🇵🇭💙
I-share ang post na ito at i-tag ang inyong mga kaklase, kaibigan, at kapamilya na kasama ninyong magvo-volunteer ngayong taon! 👇