25/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐| Saysay ng Bagong Ingay
Sa isang paaralang puno ng yabag, tawanan, at samuโt saring kuwento, may isang tinig na hindi mo na kailangang hanapin. Bago mo pa makita kung kanino ito nanggagaling, alam mo nang naroon siya; malakas, malinaw, at may siglang tila kayang umabot sa bawat sulok ng paaralan.
โ
โIsa sa mga bagong mukha sa Sgt. Prospero G. Bello High SchoolโMain, si Sir Jhay-Ar A. Domingo, isang g**o sa asignaturang Agham ng Senior High School Department na hindi lamang nakikilala sa lakas ng kaniyang boses, kundi sa gaan ng kaniyang pakikitungo at sa pusong laging bukas para sa kaniyang mga estudyante. Bagamaโt bago pa lamang siya sa paaralan, tila mabilis na niyang nakilala ang mga mukha, kuwento, at mundong bumubuo sa kaniyang bagong tahanan.
โ
โKapag siya ang nagsasalita, tila walang sulok ang maaaring magkubli sa kaniyang tinig. Malakas, malinaw, at may sariling himig. Ngunit higit pa roon, dala niya ang isang presensyang nagbibigay-kulay sa karaniwang araw.
โ
โSa bawat pagkakataong may gawain ang mga estudyante, hindi siya nag-aatubiling makisabay. Mula sa simpleng pag-alalay hanggang sa pagpunta kung saan siya kinakailangan, lagi siyang gumagawa ng paraan para iparamdam na hindi sila nag-iisa.
โ
โPara bang sa bawat hakbang ng kaniyang mga estudyante, may isang g**ong tahimik na nakikisabay, hindi man palaging nasa harap, ngunit palaging naroon sa tabi.
โ
โAt sa paaralang puno ng tinig, tawanan, at tagumpay, unti-unti nang nag-iiwan ng sariling bakas si Sir Jhay-Ar, isang g**ong madaling makilala sa kaniyang tinig, palaging maaasahan sa bawat gawain, at laging handang makisabay sa mga estudyante sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay.
Maligayang kaarawan ng mga g**o, Sir Jhay-Ar!
Nicole Tubera โ๏ธ