17/03/2026
FAQ about Zakatul Fitr
𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗸𝘂𝗺 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Ang zakatul-fitr ay obligado (wajib) sa bawat muslim na lalaki, babae, bata, matanda, malaya man o alipin.
𝗤: 𝗔𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Isang Saa' (panukat na ginamit ni Propeta Muhammad) ng pagkain na nakasanayang kinakain ng mga tao sa isang lugar. Katulad ng bigas dito sa Pilipinas at tamr (dates) sa Saudi.
𝗤: 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Ito ay pinahihintulutang ibigay dalawang araw bago sumapit ang eidul-fitr, ngunit ang pinakamainam na oras ng pagbibigay nito ay sa umaga ng eidul-fitr bago isagawa ang Salah.
𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Inobliga sa atin ang zakatul-fitr bilang paglilinis sa mga gawain, pagkukulang at pagkakasala ng mga nag-aayuno, at bilang tulong sa mga mahihirap upang sila ay may makain, at bilang pagpapasalamat sa mga pagpapala at biyaya na ibinigay ng Allah sa atin.
𝗤: 𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮?
A: Una, obligado sa bawat isang muslim na magbigay ng zakat para sa kanyang sarili, ngunit kung sila'y walang kakayanan sa pagbibigay ng zakatul-fitr, ito'y obligadong ibigay ng lalaki para sa kanyang asawang babae at kanyang mga anak.
𝗤: 𝗞𝗮𝗻𝗶𝗻𝗼 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Ito ay ibinibigay sa mga mahihirap na muslim lamang.
𝗤: 𝗣𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸, 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘆, 𝗮𝘀𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽?
A: Hindi pwedeng ibigay ng isang tao ang kanyang zakatul-fitr sa mga taong obligado sa kanya ang pagtutustos at paggastos sa kanila katulad ng tatay, nanay, anak at asawa.
𝗤: 𝗣𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗮𝗿𝗮𝘀𝗮𝗹 (𝘀𝗮𝗹𝗮𝗵)?
A: Ang taong hindi nagsasagawa ng limang beses na pagdarasal sa loob ng isang araw at ito'y hindi niya pinaniniwalaang obligado sa bawat muslim ay "kafir murtad" kaya hindi pwedeng ibigay sa kanila ang zakatul-fitr. Maliban na lamang kung siya ay magbabalik-loob sa Allah.
𝗤: 𝗣𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝘂𝘁𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗭𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮? 𝗔𝘁 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗿𝗶𝗻 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝘂𝘁𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗮𝘆 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮?
A: Oo ito ay pinapahintulutan na gawin.
𝗤: 𝗠𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗗𝘂𝗮 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Walang nabanggit na dua sa pagbibigay nito.
𝗤: 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻?
A: Hindi pinahihintulutan ang pagbibigay ng pera bilang zakatul-fitr kapalit ng pagkain ayon sa karamihan ng Ulama sapagkat ito ay taliwas sa gawain o iniutos ni Propeta Muhammad -sallallahu alayhi wa sallam- at gawain ng kanyang mga kasamahan dahil ang kanilang ibinibigay ay pagkain lamang.
𝗤: 𝗚𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶 𝗼 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗴𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿?
A: Ang obligado sa atin ay ang pagbigay ng isang saa' o katumbas ng 2.5 na kilo ng bigas, ngunit ang mas mainam ay ang pagbigay ng 3 kilo nito.
𝗤: 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 (𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗶𝘁𝗶𝗿𝗮𝗵𝗮𝗻)?
A: Ang mas mainam ay ang pagbigay nito sa mga mahihirap sa lugar kung saan siya kasalukuyang nakatira upang mas mabigyan sila ng sapat na pangangailangan kahit na malayo siya sa kanyang tunay na lugar.
𝗤: 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗻𝘁𝗶𝘀 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴?
A: Hindi obligado (hindi wajib) ang pagbibigay ng zakatul-fitr para sa ipinagbubuntis ngunit ito ay mustahab o kalugod-lugod na gawin.
𝗤: 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺?
A: Hindi pinahihintulutan ang pagbibigay ng zakatul-fitr sa mga hindi muslim, sapagkat ito'y ibinibigay lamang sa mga muslim.
𝗤: 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝘀𝗮 𝗶𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗼 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮'𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼?
A: Oo, Pwedeng ibigay ang zakatul-fitr sa isang tao lamang at pwede ring ibigay sa iba't ibang tao.
𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗲𝗻𝘁𝗮 𝗶𝘁𝗼?
A: Kung ang nakatanggap ng zakatul-fitr ay kabilang sa mga karapat-dapat na tumanggap nito, maaari niya nang ibenta ang kanyang natanggap dahil siya na ang nagmamay-ari niyon.
𝗤: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘇𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝘁𝘂𝗹-𝗲𝗶𝗱𝗶𝗹-𝗳𝗶𝘁𝗿 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻?
A: Ito ay HARAM, at iyon ay hindi pwedeng gawin at hindi matatawag na zakatul-fitr kundi kawang-gawa na lamang (sadaqah).
Allah knows.
Credit to ILM Center Inc.