17/12/2025
Pagkain para sa Katawan, Pagmamahal para sa mga Kabataan🍲🤍
Lubos po ang aming pasasalamat sa Federico P. Ambatali Masonic Lodge No. 490 sa isinagawang Outreach Feeding Program ngayong araw, Dec. 17,2025.
Ang inyo pong kabutihan ay naghatid ng ngiti, saya, at inspirasyon sa mga mag-aaral at g**o sa aming paaralan.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa aming masisipag na GPTA Officers na pinangungunahan ni Ma’am Daphny Kelly Rose Martin sa kanilang inisyatibo at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.
Naniniwala po kaming sa pagkakaisa, patuloy nating pinapatunayan na ang bayanihan ay buhay sa puso ng bawat Alibagueño.
Muli, maraming maraming salamat po!👏