12/08/2023
ANG AGOSTO AY BUWAN NG ASEAN!
Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng ASEAN Month ngayong buwan ng Agosto na may temang “Bayanihan like ASEAN! Leveraging Education Cooperation to Strengthen ASEAN Identity.”
Mula sa bisa ng Presidential Proclamation No. 282, s. 2017, idineklara ang ASEAN Month sa Pilipinas na kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tuwing Agosto 8.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng DepEd sa ASEAN upang isakatuparan ang regional development sa edukasyon sa pamamagitan ng ASEAN Education Ministers Meeting (ASED) and the Senior Officials Meeting on Education (SOM – ED).
Sa pangunguna External Partnerships Service (EPS) – International Cooperation Office (ICO), tuon ng pagdiriwang ngayong taon ang pagdaraos ng mga forum at talakayan tampok ang mga kilalang personalidad mula sa larangan ng foreign affairs, akademya, youth development, gayundin ang social media campaign na may layuning maipalaganap ang kaalaman patungkol sa ASEAN at ang kahalagahan ng regional cooperation sa youth empowerment at sa edukasyon.
Abangan ang mga update sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng ASEAN Month dito sa DepEd Philippines.