19/06/2026
ππππππ‘ππ« ππ¨π§ππ₯π²π§ ππ² ππππππππ ππππ
ππππππππ πππππππ! π©βπ«β¨
Pagbati kay Bb. Ronalyn L. Hernaez sa iyong matagumpay na pagpagsusulit para sa Licensure Examination for Teachers! Sa ngalan ng buong medyor sa Filipino, kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong napakalaking tagumpay. Ang iyong pangalan ay hindi lamang nakaukit sa talaan ng mga pumasa, kundi nakasulat din sa mga pahina ng inspirasyon, sipag, at determinasyong nagsilbing gabay sa iyong paglalakbay.
Sa likod ng tagumpay na ito ay mga gabing ginugol sa pag-aaral, mga araw na puno ng sakripisyo, at mga panahong sinubok ang iyong katatagan. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili mong magpatuloy. Hindi ka nagpadaig sa pagod, pangamba, at mga hamon ng buhay. Sa halip, ginawa mo itong mga hakbang tungo sa katuparan ng iyong pangarap.
Ngayon, isa ka nang ganap na g**oβisang tagapaghatid ng kaalaman, tagapagmulat ng kamalayan, at tagapagbigay ng pag-asa sa susunod na henerasyon. Ang iyong tagumpay ay sumasalamin sa katotohanang ang bawat pangarap ay naaabot ng taong may tiyaga, pananampalataya, at pagmamahal sa propesyong pinili.
Nawaβy magsilbi kang inspirasyon sa mga mag-aaral at kapwa nangangarap na g**o. Dalangin naming magpatuloy kang maging ilaw sa landas ng edukasyon at maging instrumento sa paghubog ng mga kabataang Pilipino na may pagmamahal sa wika, kultura, at bayan.
Mabuhay ka, Bb. Ronalyn L. Hernaez, LPT! Ang iyong tagumpay ay tagumpay rin ng bawat taong naniwala sa iyong kakayahan at sumuporta sa iyong pangarap.