01/03/2024
BALITA | OES,nagpasiklab sa 2024 District Festival of Talents
Namayagpag ang nga mag-aaral at tagapagsanay ng Mababang Paaralan ng Oscariz sa katatapos na District Festival of Talents (DFOT) na ginanap sa Ramon Central School kahapon,Pebrero 9.
Tatlong mag-aaral ng OES ang nagkamit ng unang pwesto na siyang magiging kalahok ng Distrito ng Ramon para sa LD3 Festival of Talents na magaganap sa Ika-walo ng Marso sa San Mateo, Isabela.
Nasungkit nina Jasmine Claire S Arquero ( Interpretative Reading),Danielle Ackiel E. Castueras ( Muling Pagkukuwento) at Xzanna Kwyne B. Domingo (Heograpiya, Kasaysayan at Araling Panlipunan Quiz Bee) ang unang pwesto.
Hindi rin ngpahuli ang mga kalahok ng Story Retelling na si Jan Namos S. Dela Cruz gayundin ang nga kalahok ng Himig Bulilit na sina Roshen Jillien N. Felipe, Francheska G. Salvador, Lorethon Mae A. Domingo at Xavier James L. Tolentino na parehong ngkamit ng ikalawang pwesto.
Nagpakitang gilas dn ang kalahok ng Recycling Waste Materials na si Frances Javeca V. Esteban na nakakuha ng ikalimang pwesto.
Sumabak dn si Jonh Olin M. Ambatali ( Interpretatibong Pagbasa), at sina Juls Tyler F. Alcantara at Catherine Faith D. Lacerona para sa Food Preservation.
Lubos ang kagalakan at pagmamalaki ng kanilang Ulong G**o na si Ginoong Angelino S. Zipagan sa karangalang natamo ng mga mag-aaral ng OES.
Patuloy na magsasanay ang mga nagwagi ng unang pwesto sa susunod na mga araw bilang paghahanda sa kanilang susunod na laban.