03/08/2026
Ngayong ika-3 ng Agosto 2026, matagumpay na isinagawa ng Salvacion Elementary School ang simbolikong pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang: ”𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝘼𝙄: 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣."
Nagsimula ang programa sa makabuluhang seremonya ng pagtataas ng watawat, na sinundan ng isang maikling programa bilang hudyat ng pagdiriwang ng ating pambansang wika.
Binigyang-buhay ang programa sa pamamagitan ng madamdaming pag-awit ni Austin Lei H. Lozada, habang nagbigay naman ng masining na katutubong sayaw ang mga piling mag-aaral mula sa Baitang 5 at 6. Naging tampok din ang sabayang pag-awit ng lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga opisyal ng SPTA, na sumasalamin sa pagkakaisa at pagmamahal sa ating wika at kultura. ✨
Isa rin sa mga mahalagang bahagi ng programa ang Panunumpa sa Katungkulan ng mga bagong halal na SPTA Officers, na pinatunayan ang kanilang kahandaang makiisa at maglingkod para sa kapakanan ng paaralan at ng buong komunidad. 🫡
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga g**o, mag-aaral, mga magulang, at mga SPTA Officers sa kanilang aktibong pakikilahok at patuloy na suporta sa mga programa ng paaralan. ❤️
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating pahalagahan ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa, kultura, at karunungan, habang responsable nating ginagamit ang makabagong teknolohiya bilang katuwang sa pagkatuto.
𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖 2026! 🇵🇭💙❤️💛