16/05/2026
๐Ang Kaytambog Elementary School ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, barangay officials, at mga kasapi ng komunidad na makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela 2026 sa darating na Hunyo 1- 5, 2026.๐๐
Sa temang:
โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pagtutulungan upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase.๐
Ang inyong oras, lakas, at anumang tulong ay malaking ambag para sa ikagaganda ng kapaligiran ng ating mga mag-aaral at sa pagpapatatag ng diwa ng bayanihan sa ating komunidad.
Sama-sama nating ipakita na sa pagkakaisa, mas napapabuti natin ang kinabukasan ng kabataan.๐ช๐๐ฅฐ
๐ฆ Mga Maaaring I-donate:
๐งฝ Cleaning materials
โ๏ธ Classroom essentials
๐จ Paint and painting materials
๐ง Repair & maintenance materials
๐ก Electrical supplies
๐ฑ Gardening materials
๐ค Maaari rin kayong mag-volunteer ng inyong oras at serbisyo upang makatulong sa paglilinis, pag-aayos, at pagpapaganda ng ating paaralan.
โAnumang tulong, maliit man o malaki, ay taos-pusong aming pahahalagahan para sa ikauunlad ng ating paaralan.โ
Maraming Salamat po at inasahan namin ang inyong pakikilahok!๐๐๐