23/08/2026
๐๐๐๐๐ผ ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ผ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐ฟ๐๐๐ ๐๐๐ผ๐พ๐๐๐๐. ๐จโ๐ซ๐๐ฏ
Hindi lang sa ganda ng lesson plan nakukuha ang mataas na score sa demo teaching. Kailangan mong maipakita na handa kang maging isang g**o na confident, organized, engaging, at student-centered.
1. Alamin ang rubric.
Huwag manghula kung ano ang titingnan ng evaluators. Aralin ang criteria at siguraduhing bawat bahagi ay may ebidensya sa iyong demo.
2. Magkaroon ng malinaw na objective.
Dapat alam mo kung ano ang dapat matutunan ng learners at dapat aligned dito ang iyong activities at assessment.
3. Huwag puro teacher talk.
Iwasan ang mahabang lecture. Magtanong, magpa-react, magbigay ng activities, at hayaang makilahok ang learners.
4. Gumamit ng realistic situations.
Mas madaling maintindihan ang lesson kapag konektado sa tunay na buhay ng mga estudyante.
5. Ipakita ang classroom management.
Hindi kailangang maging mahigpit. Ipakita na kaya mong kontrolin ang klase habang nananatiling respectful at positive ang learning environment.
6. Gawing purposeful ang bawat activity.
Hindi dahil may activity ay automatic na mataas ang score. Dapat malinaw kung paano nito natutulungan ang learners na maabot ang objective.
7. Magbigay ng quality questions.
Huwag puro โWhat isโฆ?โ Subukan ang application, analysis, at higher-order questions.
8. Ipakita ang assessment.
Dapat may paraan para malaman mong natuto talaga ang learnersโhindi lang basta matapos ang activity.
9. I-practice ang delivery.
I-record ang sarili habang nagde-demo. Tingnan ang boses, pacing, gestures, eye contact, at paggamit ng instructional materials.
10. Be confidentโbut donโt memorize everything.
Mas magandang prepared kaysa scripted. Kapag may unexpected na sagot o situation, manatiling kalmado at marunong mag-adjust.
Huwag mong isipin na ang goal ay โmapabilib ang evaluator.โ Ang goal mo ay โmaipakita kung paano ako magiging effective na g**o para sa learners.โ Kapag learner-centered ang teaching mo, malinaw ang objectives, organized ang lesson, at confident ang delivery, mas malaki ang chance mong makakuha ng mataas na points.
Teachers, prepare not just to pass the demo. Prepare to teach. โค๏ธ๐
Share to someone who need this โผ๏ธ๐