MATEO 5:17-20 Foundation

MATEO 5:17-20 Foundation

Share

TO PROMOTE THE FOUNDATION OF TEACHING THE DIVINE LAW OF GOD THE FATHER IN HEAVEN. ''ANG TESTAMENTO NG DAKILANG DIYOS AMA''

09/05/2026

Ang AKLAT ng BUHAY ayon sa nakasulat.

02/05/2026

Ayon sa nasusulat: Roma 2:4 -6 MBB
[4] O baka naman gusto mo pang hamakin ang Diyos dahil siya ay napakabait, mapagpigil at mapagpaumanhin! Hindi mo ba alam na napakabuti ng Diyos kaya binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan?

[6] Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.

02/05/2026

Ayon sa nasusulat, walang itinatangi ang Diyos.

02/05/2026

Walang itinatangi ang Diyos 📖📖📖

22/04/2026

Sharing is Caring: Kung gusto mo maging Dakila sa Kaharian ng Langit ganito dapat ang sinusunod at tinuturo mo,sa kapwa mo .📖📖📖
Mateo 5:19 MBB05
[19] Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit.


Photos 09/04/2026

**SHARING and SHARING the WORD of the BIBLE''
Ang paglilinaw ng aral patungkol kay JESUS at sa CRISTO"

Ang lahat ng grupo ng sekta,relihiyon itinayo ng mga tao sa daigdig na ito na tinatawag nilang KRISTYANO ay malimit na ginagamit ang salitang Cristo, ngunit ang nasa isip kaagad at interpretasyon ay si Jesus.
Ayon sa aral ng Biblia, meron taong nilalang na ipinanganak ng isang babae na si Maria at pinangalanang Jesus.(MATEO 1:25)
Ayon parin sa Biblia, si Jesus ay ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo. "GAWA 2:36 (MBB) 36
“Kaya’t dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus—siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”

Kung kaya namn si Jesus ay tinatawag na Cristo batay sa salaysay ni Mateo 1:16 (mbb)
"At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Jesus na tinatawag na Cristo."......

Samakatwid si Jesus ay hindi talaga ang totoong Cristo bagkus siya ay ginawa at tinawag na Cristo dahil sa kanyang pagsunod o pagtupad sa totoong CRISTO na ito ay walang iba kundi ang BATAS o KAUTUSANG BANAL ng TUNAY NA DIYOS.

Sa madaling salita ito ang ''KAPANGYARIHAN at KARUNUNGAN NG DIYOS''...(1-CORINTO 1;24)
Ito ang dahilan ng pagkalikha kay Jesus at pagkasugo upang ganapin,ang ipinatutupad na (Kalooban) BATAS o KAUTUSANG BANAL NG DIYOS.(Mateo 5:17-20) JUAN 4:34 (MBB)
34.''Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko’y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin, at ganapin ang ipinagagawa niya.''

Kaya naman nang maganap niya ang mga ito, si Jesus ay ginawa ng DIYOS na Panginoon at Cristo halimbawa o modelo ng tunay na PAGSAMBA at PANANAMPALATAYA sa Diyos Ama. Sa pamamagitan ng pagsunod sa BATAS o KAUTUSANG BANAL ng DIYOS.na siyang ESPIRITU at KATOTOHANAN (JUAN 4:23-24) MBB..''
23. Ngunit dumarating na ang panahon—ngayon na nga—na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya.
24. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”...At sa (Roma 12:1) At ang pagsamba sa Diyos Ama sa Espiritu ay sa pamamagitan ng pagsunod Banal na Kautusan .....dahil ang KAUTUSAN ay espiritwal (Roma 7:14)

Samakatwid si Jesus ay ang tao na inihanda ng DIYOS AMA'' upang maging katawan ng totoong CRISTO(SALITA) na bumaba mula sa langit (Juan 1:32-33/ Mateo 3:16-17) si Jesus kung ganun ang inihandang katawan upang maging handog o hain na susunod sa KALOOBAN ng DIYOS batay sa kasulatang nasusulat tungkol sa kanya.
HEBREO 10:5-7 (MBB/KJV)

Photos 09/04/2026

**SHARING and SHARING the WORD of the BIBLE''

Ang "KAUTUSANG BANAL NG DIYOS" ang BATAS ng DIYOS na BAWAT UTOS ay dapat isakatuparan sundin ng bawat nilalang na tao!!!

ROMA 7:12 (MBB) ...
''Ang Kautusan ay banal, at ang bawat utos ay banal, matuwid at mabuti.''.........

DEUTERONOMIO 10:1-5 (MBB)
1. “Noon ay sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Magtapyas ka ng dalawang bato, tulad noong una, at gumawa ka ng kabang yari sa kahoy. Pagkatapos, umakyat ka sa bundok.

2. At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban.
3. “Kaya gumawa ako ng kabang yaring akasya, tumapyas ng dalawang bato tulad noong una at ako’y umakyat sa bundok.

4. Isinulat nga ni Yahweh ang SAMPUNG UTOS sa dalawang tapyas ng batong dala ko saka ibinigay sa akin. Ang SAMPUNG UTOS na ito ang sinabi niya sa inyo mula sa naglalagablab na apoy samantalang kayo’y nagkakatipon sa paanan ng bundok.

5. At ako’y nagbalik mula sa bundok at inilagay ko sa kaban ang dalawang tapyas ng bato tulad ng utos sa akin ni Yahweh.”...........

05/04/2026

SINO SI Jesus at SINO si CRISTO??
SHARING is CARING 📖 📖 📖
MAGSURI PO NG BIBLIA

Ang Hesus at ang Cristo!
Ano ang pakilala ni Hesus patungkol sa kanyang sarili?
Siya ay sinugo at anak ng Diyos
Juan 10:36
Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?

Siya ay may laman at buto.
Dito sa talatang ito, si Hesus ay galing na sa langit, bumaba sa lupa at nagpakita sa kanyang mga kapatid. At ipinaliwanag niya ang pagkakaiba niya sa Diyos.
LUCAS 24:39 kjv
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

Dito nagpapatotoo si Hesus sa kanyang mga alagad na siya ay tao - may laman at buto. Hindi siya espiritu, gaya ng Ama.

Ano naman ang Cristo?
[1 CORINTO 1:24 ]
24 Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.

Kung tinawag ka ng Diyos, ang unawa mo sa Cristo - ito ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos.

Q: Ano ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos?
Noong panahon ni Haring Solomon, binanggit na ang karunungan, ito ang kasa- kasama ng Diyos at katulong sa gawain. At sa lahat ng nilikha, ang karunungan ang nauna.
Basahin ang buong chapter
(Kawikaan 8:1-36)

Dito sa Verse 11-12, 27-30 “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,
anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.
12 Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan,
itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan.
27 Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na,
maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.
28 Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
29 Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,
30 ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.
Maliwanag ang nakasulat.

Ang karunungan ang naunang nilikha at ang karunungan ang kasa- kasama ng Diyos at katulong sa gawain o paglikha.
Ano karunungan ng Diyos?
Ito ba si Hesus?

Noong panahon ni Moises, at panahon ni Pablo, nilinaw o naging maliwanag na or nagkaroon ng definition kung ano karunungan.

Unahin natin , noong panahon ni Moises.
Ecclesiastico 24:23-24
Ang karunungan ay ang Kautusan,
ang Kautusan na ipinatutupad sa atin ni Moises, ang tipan ng Kataas-taasang Diyos,
ang mana ng sambayanan ng Israel.

Baruc 4:1-4
Ang karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,
ang batas na mananatili magpakailanman.
Ang manghawak dito'y mabubuhay
at ang tumalikod ay mamamatay.
2 O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karunungan
at lumakad kayo sa kanyang liwanag.
3 Huwag ninyong ibigay sa ibang lahi
ang inyong karangalan at mga karapatan.
4 Mapalad tayo, mga Israelita,
sapagkat alam natin kung ano ang nakalulugod sa Diyos.

Dito naging maliwanag na kung sino or ano itong karunungan ng Diyos.
Ito ang kanyang KAUTUSAN.

Balikan natin si Pablo, kinumpirma niya ( confirmed) na yun Cristo , ito yun kautusan o batas ng Diyos na isinulat sa bato.
At panahon pa rin ni Moises ang binabanggit dito.

1 CORINTO 10:1-4
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na P**a.
2 Sa gayon, nabautismuhan silang lahat[a] sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises.
3 Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal,
4 at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo.
Dito sa Verse 4, ang sabi " at ang batong iyon ay si Cristo"

Ano po yun batong espiritual?
Ito ang batas o 10 utos ng Diyos na isinulat sa bato.
Iyan ang kasa- Kasama ng Diyos sa paglikha.

Balikan natin yun tanong kanina.
Kung tinawag ka ng Diyos, ang unawa mo sa Cristo - ito ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos.
Paano naman kung hindi ka tinawag? Or ang mga lider ng mga relihiyon ang tumawag sa iyo? Ano ang unawa mo sa Cristo?

Sagot: Ito si Hesus.
Si Hesus, hindi siya ang Cristo kundi ginawang Cristo at panginoon.

GAWA 2:36
Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
Maliwanag ang nakasulat. Si Hesus, ginawang Cristo at panginoon.

Q; Sino ang nasa tabi ng trono ng Diyos? Si Hesus ba? O ang Cristo - ito nga ang karunungan.
Ganito ang sabi ni Haring Solomon.

(KARUNUNGAN NI SOLOMON 9:4)
Bahaginan mo ako ng Karunungang nakaluklok sa tabi ng iyong trono,
at ibilang mo ako sa iyong mga lingkod.
Maliwanag, yun nasa tabi ng trono ng Diyos ay ang karunungan. Ito nga ang kautusan na ginagamit ng Diyos na batayan sa paghatol sa inililigtas at parurusahan.

Hebreo 5:7
Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbaba.

Sino ang tinutukoy dito na nanalangin at lumuluhang nakikiusap sa Diyos na makapag liligtas sa kanya sa impiyerno?

Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos ba? O si Hesus?
Dito na ninyo mauunawaan ang pagkakaiba ng Hesus at Cristo.

Kapag sinabing Jesus Christ -
Hesus ( tao ) Cristo ( karunungan at kapangyarihan ng Diyos ).
Hesus (Tao) at Kautusan ng Diyos.
Iyan ang Jesus Christ na babalik, hindi na literal na Jesus Christ.

Ano naman ang kapangyarihan ng Diyos?
SAGOT: Ito ang Batas o Kautusan Banal ito ang kanyang sukatan ng kanyang pagpaparusa at gantimpala..paki basa po sa Biblia nyo 📖📖📖
PAGPAPALA NG DIYOS KUNG TUTUPAD TAYO SA MGA UTOS.
Levitico 26:1-13 / Deut.28:1-14 / Isaias 2:2-5 MBB

PARUSA AT SUMPA NG DIYOS KUNG LALABAG TAYO SA MGA UTOS.
Levitico 26:14-46 / Deut.28:15-68 / Jeremias 25:29-38 /4-7 )



04/04/2026

SHARING IS CARING ❤️📖📖📖❤️
Q&A
Juan 17:3
At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
Q: Ayon sa nakasulat, ano ang buhay na walang hanggan?
A: Ayon sa nakasulat "Kikilalanin mo ang Diyos na iisa at tunay. At si Jesu-Cristo kikilalanin mo bilang sinugo".
Q: Paano mong kikilalanin ang Diyos na tunay? O ano ang sukatan na ang Diyos ay tiyak na nakikilala mo?
Ang sukatan po na tiyak na nakikilala natin ang Diyos ay kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Iyan po ang sukatan na tiyak na nakikilala natin ang Diyos.
Hindi po ang sukatan ay ang pangalang
Allah
Yahweh
Jehova
Jesus Christ
O kung anu-ano pang pangalan na pinagtatalunan ninyo kayong mga nangangaral ng salita ng Diyos.

A: Ito ang patotoo na mababasa sa biblia
https://www.facebook.com/angkautusangbanal/photos/a.136137716569397.1073741826.136126549903847/538404929676005/?type=3&theater
Q: Paano mo naman na kikilalanin si Jesu-Cristo na bilang sinugo?
Sa iba't-ibang panahon, sa iba't-ibang paraan ang Diyos po ay nagpapadala ng sinugo o mensahero.
Ngunit yun mensaheng dala-dala, iisa lamang, hindi nagbabago.
Itigil ang kasalanan
Ito po ang kauna-unahang ipinangaral ni Hesus
https://www.facebook.com/angkautusangbanal/photos/a.136137716569397.1073741826.136126549903847/444050032444829/?type=3&theater
Q: Kung ang kauna-unahang ipinangaral ni Hesus ay itigil ang kasalanan. Ano naman ang tinatawag na kasalanan ayon sa biblia?
A: Ang kasalanan ay ang paglabag sa kautusan ng Diyos
https://www.facebook.com/angkautusangbanal/photos/a.136137716569397.1073741826.136126549903847/464721977044301/?type=3&theater
Ganito ang babala sa mga hindi susunod
Gawa 3:22-23
Sapagkat sinabi ni Moises, ‘Mula sa inyo, ang Panginoon ninyong Diyos ay pipili para sa inyo ng isang propetang katulad ko. Sundin ninyo ang lahat ng kanyang sasabihin sa inyo.
23Ang sinumang hindi sumunod sa propetang iyon ay ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’
Kayo pong mga nasa ilalim ng sekta, grupo o relihiyon na ang sukatan sa pagkilala sa Diyos ay Allah, Yahweh o kung anu-ano pang pangalan.
Bukang bibig ninyo na nakikilala ninyo ang Diyos...
Q: Kayo naman kaya nakikilala ng Diyos? Ano ang pinanghahawakan ninyong katibayan na kayo ay kilala ng Diyos?
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1826450174261563&set=a.1405753286331256.1073741828.100006897934587&type=3&theater

03/04/2026

SHARING IS CARING 🙏📖📖🙏
'“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.
MATEO 7:21-23 MBB

03/04/2026

SHARING SI CARING 🙏📖📖🙏
Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.
Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan.
ISAIAS 44: 6-20 MBB

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Chanti Street
Imus
4103