13/12/2023
Nakiisa ang DepEd Schools Division of Iloilo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng Alternative Learning System Enrolment to Employment Program (ALS E to E Program) noong ika-9 hanggang 10 ng Disyembre, 2023 sa Guimbal National High School (GNHS), Guimbal, Iloilo.
Ang ALS E to E Program ay naisakatuparan sa pangunguna ng Tagapamanihala ng mga Paaralan ng Sangay ng Iloilo, Dr. Ernesto Servillon Jr..
Tinatayang humigit-kumulang isang daang out-of-school youths at adults mula sa iba't ibang distrito ang pumunta sa GNHS upang magpatala at maging benepisyaryo ng nasabing programa.
Personal na dumalo sa nasabing pagtitipon si mismong Speaker of the House of Representatives Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez.
Nilalayon ng programa na mabigyan ng libreng skills training at priority job offering ang mga mag-aaral sa ALS mula sa mga partner ng DepED ALS tulad ng TESDA, PESO at DOLE.
Samantala, ang BPSF naman ay programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng serbisyo sa bawat Pilipino sa maginhawa, mabilis at masayang pamamaraan.
Ang BPSF ay nilahokan ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng TESDA, PESO, DOLE, PNP, PSA, PRC, DSWD at marami pang iba.