26/02/2026
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง!
Sa Gunita ng Bayan | Part III
Isang Serye ng mga Sanaysay
Sulat ni Merzci
Sa bawat hakbang sa aspalto ng Epifanio de los Santos Avenue, dumadagundong ang nakaraan. Hindi ito ingay ng trapiko o bulyaw ng komersyalismo; ito ang pintig ng bansang minsang tumindig at bumasag sa tanikala ng diktadurya. Sa lansangang ito, lumaban ang masa sa hindi makataong paniniil ng rehimen ni Ferdinand Marcosโisang panahon kung saan libo-libong buhay ang sinunog sa apoy ng karahasan. Hindi lamang sila bilang estadistika sa ulat ng kasaysayan, kundi bilang mga pangalang binura, mga mukhang hindi na muling nasilayan, at mga pangarap na tuluyang ninakaw at hindi na maibabalik kailanman.
Ngunit ang EDSA ay higit pa sa kasaysayan. Isa itong pugad ng pag-asa, simbolo ng lakas at pagkakaisa ng mamamayan. Kabataan, manggagawa, estudyante, madre, pari, at ordinaryong mamamayan ay nagsanib-pwersa. Sa ilalim ng nag-aalab na araw ng Pebrero, pinatunayan ng sambayanan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng taumbayan.
Noong dekada โ70 hanggang โ80, ang Pilipinas ay nakalubog sa dilim ng diktadurya. Sa ilalim ng Batas Militar na ipinataw ni Ferdinand Marcos, namayani ang takot, sensura, at dahas. Libo-libo ang ikinulong nang walang kaso, pinahirapan sa mga selda, at ang ibaโy tuluyang naglaho. Ang tinig ng midya ay binusalan, ang oposisyon ay pinatahimik, at ang karapatan ay ginawang pribilehiyo lamang ng iilan.
Ang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986 ang naging tugon sa kolektibong paghinga ng bayan na matagal na pinatatahimik. Mula sa Quezon City, Mandaluyong, at Pasay hanggang sa mismong EDSA, nagtipon ang daang-libong mamamayan. Hindi ito simpleng kilos-protesta, isa itong deklarasyon na tama na. Tama na ang pandarambong! Tama na ang pagyurak sa dignidad ng bawat Pilipino!
Ngunit apat na dekada matapos ang himagsikan, tila ba ang aspalto ng EDSA ay dinidiligan ng lason ng pagkalimot. Sa halip na alaala ng pagkakaisa at tapang, minsan ay nagiging bahagi ito ng pulitika na labanโโdilaw laban sa p**a,โ o sa madaling salita Marcos laban sa Aquino. Isang malaking insulto sa sambayanan ang ikulong ang himagsikang ito sa pagitan ng dalawang pamilya. Hindi ito tungkol sa pagkakaroon ng kulayโdilaw man o p**a. Ito ay ang tungkol sa mamamayang Pilipino na nakibaka at ipinaglaban ang demokrasya. Tila wala man kulay ang rebolusyong ito, ngunit ang p**ang dugo ng nagbuwis ng buhay ay patuloy na sumisigaw at umaalingasaw sa ating alaala.
Sa kasalukuyan, ang diskurso ay muli na namang kinakahon sa kulay at kampoโMarcos laban kay Duterte, p**a laban sa berde, o mas kilala sa kanilang bansag na โUniteam.โ Ang pulitika ay nagiging sabong ng mga pangalan at apelyido, isang entabladong ang bida ay ang mga politiko mismo. Samantala, ang tunay na laban ng bayanโkahirapan, kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, at patuloy na paglabag sa karapatang pantao ay natatabunan ng walang kuwentang drama at bangayan ng dalawang partido. Ginagawang personal ang politika, na para bang itoโy tungkol sa kanilang kapangyarihan at reputasyon, at hindi sa kapakanan ng mamamayan. Ang serbisyo publiko ay dapat nakatuon sa tao. Sa halip na tugunan ang gutom at kawalan ng hustisya, inuuna ang pagpapabango ng pangalan at pagpapatibay ng alyansa. Sa ganitong sistema, ang taumbayan ang nagiging ekstra sa sariling kuwento na dapat para sa kanila.
Sa ilalim ng administrasyon ni Bongbong Marcos at sa anino ng impluwensya ng mga makapangyarihang alyansa, muling sinusubok ang ating alaala. Hindi baโt ganito rin nagsimula noonโsa pangakong kaayusan, at kaunlaran?
Kayaโt ang EDSA ay hindi lamang alaala ng 1986. Isa itong salamin na dapat nating harapin sa kasalukuyan. Sapagkat ang laban ng EDSA ay hindi natatapos sa lansangan. Patuloy ang hamon ngayonโkorapsyon na nagpapalobo sa kahirapan, sistemang pumapabor sa makapangyarihan, at kulturang unti-unting ginagawang normal ang pagbaluktot sa katotohanan.
Ang tunay na diwa ng EDSA ay nasa kakayahan nating manindigan kahit hindi ito uso. Nasa tapang nating magsalita kahit may banta ng panlalait o pananakot. Nasa paninindigan nating hindi hayaang burahin ang kasaysayan sa pamamagitan ng propaganda at historical revisionism.
Hindi sapat ang โNever Again, Never Forgetโ kung itoโy mananatiling slogan lamang tuwing Pebrero. Ang hamon natin ay dapat na isabuhay itoโsa pagbabantay sa kapangyarihan, at paghingi ng pananagutan.
Buhay ang EDSA sa bawat tinig na tumangging manahimik. Buhay ang EDSA sa bawat pusong tumitibok para sa katotohanan. Buhay ang EDSA hanggaโt may Pilipinong handang ipaglaban ang bayan.
Buhay ang EDSA. Tayo ang EDSA!
Karton ni stilldeadroses