23/09/2026
FYI...
Hindi automatic.
Ang pagmamaneho nang walang valid driver’s license ay maaaring isang hiwalay na paglabag sa batas, pero hindi ibig sabihin na siya na agad ang may kasalanan sa mismong vehicular accident.
Magkaibang tanong kasi ang:
May karapatan ba siyang magmaneho? at Sino ang talagang naging negligent o sanhi ng aksidente?
HALIMBAWA:
Si Juan ay nagmamaneho ng motorsiklo at wala siyang valid driver’s license.
Si Pedro naman ay may valid driver’s license.
Habang maayos na tumatakbo si Juan sa kanyang lane, biglang lumiko si Pedro at pumasok sa lane ni Juan nang hindi nagbigay ng sapat na warning. Nagbanggaan sila.
Dahil ba walang lisensya si Juan, automatic na si Juan na ang may kasalanan?
Hindi.
Kailangan pa ring tingnan kung paano nangyari ang aksidente at kung kaninong kilos o kapabayaan ang naging sanhi nito.
PERO MAY VIOLATION PA RIN BA ANG WALANG LISENSYA?
Oo, maaaring mayroon.
Sa ilalim ng Philippine traffic laws, hindi maaaring magmaneho ng motor vehicle sa highway ang isang tao nang walang kaukulang valid license.
Kaya kahit mapatunayan na hindi siya ang negligent party sa collision, maaari pa rin siyang magkaroon ng hiwalay na liability o penalty dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.
In other words: “Wala akong kasalanan sa banggaan” does not necessarily erase the violation of driving without a license.
HINDI RIN SAPAT NA SABIHING: “MAY LISENSYA AKO, KAYA HINDI AKO ANG MAY KASALANAN.”
Ang pagkakaroon ng driver’s license ay hindi rin automatic defense sa isang vehicular accident.
Halimbawa:
May lisensya si Pedro, pero:
❌ nag-counterflow siya;
❌ mabilis ang takbo niya considering the circumstances;
❌ hindi siya nagbigay ng signal bago lumiko;
❌ hindi niya pinansin ang traffic sign; o
❌ hindi siya nag-ingat bago pumasok sa intersection.
Hindi niya maaaring sabihin: “May lisensya naman ako. Siya walang lisensya. Kaya siya ang may kasalanan.”
Ang lisensya ay patunay na legally authorized kang magmaneho subject to applicable rules. Hindi ito immunity from negligence.
ANO ANG TINITINGNAN PARA MALAMAN KUNG SINO ANG MAY KASALANAN?
Hindi lang driver's license ang tinitingnan. Mahalaga rin ang circumstances gaya ng:
✔️ Sino ang nasa tamang lane?
✔️ Sino ang lumiko o nag-change lane?
✔️ May traffic light o traffic sign ba?
✔️ Ano ang speed at road conditions?
✔️ Nagbigay ba ng proper signal?
✔️ Sino ang may right of way under the circumstances?
✔️ Nasaan ang point of impact?
✔️ May skid marks o damage pattern ba?
✔️ May CCTV o dashcam footage ba?
✔️ May eyewitnesses ba?
✔️ Ano ang findings sa police investigation?
Kaya hindi magandang mag-conclude ng liability base lamang sa: “Wala siyang lisensya.”
KUNG MAY CCTV O DASHCAM, I-PRESERVE AGAD
Sa vehicular accidents, napakahalaga ng objective evidence. Kung may nearby establishment, bahay, traffic camera, o dashcam na maaaring nakakuha sa incident, mas mabuting ma-secure agad ang footage dahil maaaring ma-overwrite o mabura ito paglipas ng panahon.
Kunan din ng litrato, kung ligtas gawin, ang:
-position ng vehicles;
-damage sa bawat sasakyan;
-road markings;
-traffic signs/signals;
-skid marks o debris; at
-general condition ng lugar.
PAANO KUNG MAY NASAKTAN?
Kung may injury o death, mas seryoso ang usapan. Depende sa facts, maaaring magkaroon ng criminal, civil, administrative, at insurance consequences. Hindi pa rin sapat na malaman lamang kung sino ang may lisensya. Ang pangunahing tanong sa possible negligence-related liability ay kung may imprudence o negligence at kung ito ang naging sanhi ng injury, damage, o death.
PAANO KUNG PAREHO SILANG MAY PAGKUKULANG?
Possible rin na hindi black-and-white ang aksidente. Halimbawa, maaaring may negligent act ang isang driver ngunit may sarili ring negligence ang kabilang party na nakapag-contribute sa nangyari. Sa civil liability, maaaring maging relevant ang contributory negligence, depende sa facts.
Kaya hindi palaging: “100% kasalanan ng isa, 0% ang isa.”
PAANO KUNG HINDI SIYA ANG REGISTERED OWNER NG SASAKYAN?
Isa pa itong dapat tingnan. Kung ang driver ay hindi registered owner, kailangang malaman:
-Kanino nakapangalan ang sasakyan?
-Bakit siya pinayagang magmaneho?
-May alam ba ang owner tungkol sa kanyang qualification o kakayahang magmaneho?
-Employee ba siya at ginagamit ba ang sasakyan in connection with his work?
Maaaring magkaroon ng separate legal issues involving the registered owner or employer, depende sa circumstances.
BOTTOM LINE: WALANG LISENSYA HINDI AUTOMATIC NA SIYA ANG MAY KASALANAN SA AKSIDENTE.
Ang kawalan ng valid driver’s license ay maaaring isang separate violation, pero ang responsibility sa collision ay kailangang matukoy mula sa actual facts at evidence kung paano nangyari ang aksidente.
At tandaan din: MAY LISENSYA HINDI AUTOMATIC NA WALANG KASALANAN.
Sa vehicular accident, huwag lamang itanong: “Sino ang walang lisensya?”
Mas mahalagang itanong: “Ano ba talaga ang nangyari, sino ang naging negligent, at ano ang ebidensya?”
Kaya kung maaksidente, huwag lang kumuha ng picture ng driver's license. I-preserve din ang CCTV/dashcam footage, photographs, police records, medical records, witness information, at iba pang ebidensya tungkol sa mismong pangyayari.
𝐃𝐈𝐒𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐑: This post by Hablero Law Office is for informational purposes only and does not constitute legal advice. No attorney-client relationship is formed by interacting with this content.